Igan
Igan hinahanap sa 24!
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kelan nga kaya babalik sa 24 Oras si Mr. Mike Enriquez?

Ang balita, nakatapos na ito ng heart operation last Friday kaya hinihintay ng followers niya kung kailan naman ang kidney operation ni Sir Mike na nauna niyang na-mention na may kidney problem siya last August. Siyempre magpapalakas pa siya after ng operation.

Pero teka bakit nga ba hindi na namin napapanood si Arnold Clavio sa 24 Oras na nauna namang naging replacement ni Sir Mike sa news program ng GMA 7?

Swak ang award winning broadcaster sa 24. Actually, mas bagay siyang kasama nina Ms. Mel Tiangco and Vicky Morales.

Bakit nga ba hindi si Papa Igan ang napapanood dun ngayon? 

Anyway, true kaya na magre-reformat ang radio program ni Ted Failon dahil hindi na nga raw ito makaabante sa katapat na programa nina Papa Arnold, Ali Sotto with Joel Zobel (substitute of Mike Enriquez).

Kung sabagay aliw makinig sa kanilang tatlo lalo na pag pumasok si Nay Lolit Solis, sobrang nakakatawa. Though credible din silang tatlo na magbigay ng comments and opinions sa mga maiinit na pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Anyway, abangan natin kung anong magiging kapalaran ng radio show ni Papa Ted na akala ko dati ay dyowa ni DJ Chacha, ‘yun pala hanggang radio lang ang kanilang ‘landian’ dahil ikakasal na ang DJ pero hindi kay Papa Ted.

ARNOLD CLAVIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with