^

PSN Showbiz

Vice Ganda mas gustong ipabago ang problema sa traffic, bumuwelta sa pagpapa-edit sa Lupang Hinirang ni Sen. Sotto

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda mas gustong ipabago ang problema sa traffic, bumuwelta sa pagpapa-edit sa Lupang Hinirang ni Sen. Sotto
Vice Ganda

MANILA, Philippines — Bakit ganun sabi ni Vice Ganda naghahati pa sila ni Ryan Bang (sa lalaki)? Kahapon kasi ay may interview portion sila sa mga contestant sila sa Hypebest portion ng It’s Showtime. Eh guy ang ini-interview nila. Cute na contestant na binati ni Vice ng ‘mukha ka nang artista.’ Sabi ni Vice, ‘type mo na naman, naghahati pa tayo.’ Hahaha. True ba Ryan?

Anyway, bumuwelta rin si Vice kahapon sa gusto ni Sen. Tito Sotto na palitan ang last line ng Pambansang Awit nating Lupang Hinirang. Banat ni Vice sa Showtime kahapon, ‘anong gusto nilang ipalit ang mamatay ng dahil sa traffic, ang mamatay dahil sa mahal na bilihin, o mamatay dahil sa bukbok ng bigas.’

Gandang-ganda ang komedyante sa linyang ‘ang mamatay ng dahil sa ‘yo’ na gustong papalitan ng senate president samantalang ang dami nga namang mas malalang problema ng bayan.

Punto pa ni Vice, mas maraming kanta na puwedeng palitan ang lyrics.

Mainit nga na pinag-uusapan ang tungkol sa nasabing isyu dahil nga sa sinabi ni Sen. Sotto na ‘defeatist’ ang nasabing huling linya.

Well, bakit nga naman ‘yun ang kailangang pagtuunan ng pansin. May point si Vice, unahin ang traffic na kahit weekend nakaka-windang kahit saan dumaan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with