^

PSN Showbiz

Concert ni Alden inabot ng madaling araw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Concert ni Alden inabot ng madaling araw!
Alden

Madaling-araw na nang umuwi kahapon sa bahay namin ang kasambahay ko na si Mel Balili dahil madaling-araw na nang matapos ang Adrenalin Rush, ang concert ni Alden Richards sa Kia Theatre noong Biyernes.

Early bird si Mel at ang kanyang kasama sa Kia Theatre dahil malakas ang kutob nila na OA ang traffic noong Biyernes.

Totoo nga ang suspetsa ni Mel dahil bukod sa araw ng Biyernes, malakas ang buhos ng ulan kaya marami sa mga nanood ng show ni Alden ang na-late nang dating.

Natalbugan nga ni Mel ang pamilya ni Alden dahil nasimulan niya ang Adrenalin Rush. Na-miss ng tatay, kapatid at mga kamag-anak ni Alden ang bonggang opening number dahil pasado alas-diyes nang dumating sila sa Kia Theatre.

Kahit umalis nang maaga sa bahay nila sa Sta.Rosa, Laguna ang  Faulkerson family, naipit pa rin sila sa nakakalokang traffic situation mula sa SLEX hanggang sa Cubao, Quezon City.

Kung may ipinagpapasalamat ang pamilya ni Alden, late na rin nang mag-umpisa ang concert kaya napanood pa rin nila ang kalahati ng show.

Sigurado naman na ipalalabas sa SNBO ng GMA 7 ang Adrenalin Rush sa mga susunod na Linggo kaya ito na lang ang dapat na abangan ng mga kamag-anak ni Alden na hindi naabutan ang opening number.

Nag-enjoy nang sobra sa panonood ng Adrenalin Rush si Mel na avid fan ni Alden.

Orchestra center ang upuan ni Mel at ng kasama niya kaya kitang-kita nila ang lahat ng ganap.

Tawang-tawa sila sa panlalaglag ni AiAi delas Alas kay Alden, gustung-gusto nila ang song number nina Alden at Regine Velasquez at natuwa sila sa production dance number nina Alden, Ruru Madrid at Rodjun Cruz.

Very close sina AiAi at Alden kaya maraming alam ang Comedy Queen tungkol sa personal life ng anak-anakan niya.

May fans na nalungkot sa song number nina Alden at Regine dahil ang feeling nila, aalis na talaga si Regine sa GMA 7 kaya matatagalan bago maulit ang guesting niya sa mga future show ni Alden.

Walang dapat ikalungkot ang fans ni Regine dahil basta libre ito, pumapayag siya na umapir sa mga concert ng mga kapwa niya performer, Kapuso man o Kapamilya.

Fans ni Maine nagmamaktol sa sold out lippie

Habang nagaganap ang Adrenalin Rush, may emote naman ang fans ni Maine Mendoza dahil sa balita na sold-out na ang lippie nito para sa isang sikat na make up brand.

Nalungkot ang fans ni Maine dahil pinag-ipunan nila ang limited edition lipstick ng kanilang idol pero kahit maagap sila, naubos agad ang mga stock.

Walang mangyayari kung magmamaktol ang mga hindi nakabili ng lipstick dahil sa lakas nito sa market, tiyak na maglalabas uli ang manufacturer para mapagbigyan ang mataas na demand ng mga consumer.

Hindi talaga nagkamali ang make up manufacturer sa desisyon nila na magkaroon ng collaboration kay Maine dahil selling like hotcakes ang mga lipstick niya.

Sanya and Derrick nadagdagan ang closeness

Matagal nang magkakilala sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Lalong nagka­kilala ang dalawa nang gawin nila ang Wild & Free, ang kanilang launching movie sa Regal Entertainment Inc.

Ang pagsasama ng dalawa sa sexy movie ng Regal ang dahilan kaya nadagdagan ang closeness nila.

Sa sobrang komportable nina Sanya at Derrick sa isa’t-isa, nakakapag-dirty talk sila na walang malisya kaya lumabas na makatotohanan ang mga love scene nila sa Wild & Free.

Safe na safe ang pakiramdam ni Sanya sa love scenes nila ni Derrick dahil gentleman ito. Ni minsan, hindi niya naramdaman na nagsamantala si Derrick nang kunan ang kanilang mga  tsugihan scene.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with