Jiggy
Jiggy kulelat sa Senatorial Survey!
(Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2018 - 12:00am

SEEN: Rank 33 to 43 si Jiggy Manicad sa senatorial preferences survey ng Pulse Asia. Dapat sipagan ni Manicad ang pag-iikot sa Pilipinas para malaman ng lahat ang intensyon niya na kumandidato na senador sa May 2019 elections.

SCENE: Ninety nine percent ang aware na kakandidato na senador si Robin Padilla pero hindi ito nagpapakita ng interes na sasabak siya sa eleksyon sa susunod na taon.

SEEN: Hindi pa rin tanggap ng karamihan ang sexual preference ni Jake Zyrus aka Charice Pempengco. Inaalibadbaran sila sa pahayag ni Jake na “I’m her grandson” nang ipagtanggol nito ang sarili tungkol sa hindi pagdalaw sa kanyang lola na may-sakit.

SCENE: Inulit ni Glaiza de Castro sa presscon ng Liway ang kanyang denial na lilipat siya sa ibang television network. Walang dahilan para umalis si Glaiza sa GMA Network Inc. dahil hindi pa tapos ang exclusive contract na pinirmahan niya. Ang Liway ang Martial Law movie ni Glaiza na mapapanood sa mga sinehan sa October 10.

SEEN: Naghahanap si Amy Perez ng townhouse na malilipatan sa Teachers Village, Quezon City dahil maliit na para sa pamilya niya ang bahay na tinitirhan nila sa kasalukuyan.

SCENE: Isang linggo na nag-taping sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Sanya Lopez para sa mga eksena nila sa Victor Magtanggol kaya matagal-tagal sila na mapapanood sa primetime teleserye ni Alden Richards.

SEEN: Si Dawn Zulueta ang kamukha ni Martin del Rosario sa poster ng Born Beautiful, ang launching movie niya na balak na isali ng The Idea First Company sa 2018 Metro Manila Film Festival.

SEEN: Gamit na gamit ang Asia sa mga title na ibinibigay sa mga Filipino singer, Asia’s Queen of Songs si Pilita Corrales, Asia’s Songbird si Regine Velasquez, Asia’s Nightingale si Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer si Christian Bautista at Asia’s Phoenix si Morisette Amon.

JIGGY MANICAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with