^

PSN Showbiz

Lola ‘di na nakakakita, Jake tanggap na siya ang demonyo ng pamilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lola �di na nakakakita, Jake tanggap na siya ang demonyo ng pamilya
Jake

Sabi ni Jake Zyrus, magpaparating daw siya ng tulong sa pamilya niya pero hindi na raw kailangang isulat pa o ilabas sa social media. Puwede naman daw siyang tumulong sa pamilya niya na hindi na kailangang ibalita.

Sa pamilya na lang daw sana ang ganung isyu na kung sino man ang na-hospital, siya raw lagi ang pinupuntirya.

Tanggap na rin daw niyang siya na ang demonyo sa pamilya, pero kung sakaling magparating siya ng tulong sa kanya na lang daw iyun, wala nang iba pang makaalam.

Pero nang nakausap namin ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, September 21 ng gabi, hindi naman daw ang tulong ni Jake ang kailangan nila. Ang mahalaga raw sana ay ang presence niya dahil siya ang hinahanap ng kanyang lola na nasa Sta. Rosa Hospital pa rin hanggang ngayon.

Ang latest ngang ibinalita sa amin ni Mommy Raquel, pansamantalang nawalan daw ng paningin si Lola Tess, ang kanyang ina.

“Naputukan siya ng ugat sa ulo, kaya nagkaroon siya ng mild stroke. Ang effect nun, nawalan siya ng paningin.

“Na-mild stroke siya, pero ang nadale sa kanya yung ugat…yung sa paningin niya, pumutok ang ugat dun sa mata niya.

“May chance raw makakita pero matagal, unti-unti o baka hindi pa siya makakita,” bahagi ng pahayag ni Mommy Raquel.

Mabuti ang matibay daw ang kanyang ina, kaya pinipilit daw itong maka-recover dahil alam daw niyang problemado rin siya.

“Sabi ng doktor, malakas daw ang ano ni Nanay. Kung sa iba daw yun, baka hindi maka-recover agad. Pero kay Nanay, kahit papano naka-recover. Siyempre ano na rin niya na hindi siya maging pabigat na gagas­tos ng malaki ang halaga na babayaran,” saad pa ni Mommy Raquel.

Malaking bagay daw sana kung makadalaw si Jake dahil siya lang daw ang hinihintay ni Lola Tess.

Gusto lang daw talaga ma­ramdaman ni Lola Tess na nandiyan ang paborito niyang apo, kahit wala naman daw itong maiparating na tulong.

Sinisikap naman daw nilang ma­ita­wid ito at makahanap ng pambayad sa bill ng hospital. Kaya inaayos nga raw nila ngayon ang medical insurance ni Lola Tess pati ang tulong ng DSWD.

“Siyempre ang ini-expect namin kahit meron o walang perang ibibi­gay, yung presence na lang niya na dalawin yung paborito niyang lola, kaisa-isa niyang lola na totoo.

“Tinext ko yung manager niya, eh walang reply, walang response dun sa text ko. Nagri-ring naman yung number,”malungkot na pahayag ni Mommy Raquel.

Naisip na nga raw ni Mommy Raquel na tuluyan na talaga silang binura sa buhay ni Jake na kahit ang nag-iisa raw niyang kapatid na si Carl ay dinedma na rin daw nito.

“Sana makarating sa kanya yung kapatid niyang si Carl aalis sa katapusan papuntang US. Eh nag-message sa kanya, sumagot nung una ‘Who you’ sabing ganun.

“Pagkatapos nung nalamang ‘si Carl to ate, baka puwede namang magkita tayo, kasi paalis na ako, para makapag-ano naman tayong dalawa,’ hindi na siya sinagot.

“Kaya sana makarating naman sa kanya na hindi naman porke’t kinontak siya, pera naman ang hangad namin. Kasi gumagawa naman kami ng paraan na para hindi kami umasa sa kanya, lalo na yung kapatid niya. Dadalawa na lang silang magkapatid, hindi pa magkasama, hindi pa nag-uusap. Nag-reach out na nga si Carl para sa kanya, pero hindi naman nag-reach out sa kanya,” saad ni Mommy Raquel.

Comeback movie sana sina Mark at Claudine, napunta kina Xian at Bela!

Si Bela Padilla na nga raw ang ipinalit kay Claudine Barretto sa isang movie project na gagawin ng Viva Films na ididirek ni direk Sigrid Andrea Bernardo.

Napabalita na ngang umalis na raw si Claudine sa Viva at baka bumalik na raw ito sa ABS-CBN at nagpapa-handle uli sa Star Magic.

Kaya itong proyektong dapat na pagsamahan nila ni Mark Anthony Fernandez ay kay Bela na napunta at si Xian Lim daw ang kinuhang ka-partner. Waley na rin si Mark!

Naka-schedule na nga raw silang lumipad patungong Georgia para doon mag-shoot.

Totoo kayang may advance payment na raw na naibigay ang Viva kay Claudine? Maibabalik pa kaya ito o gagamitin pa rin nila ang aktres?

Mukhang maganda naman ang kumbinasyong Xian at Bela. Abangan na lang natin ang official announcement mula sa Viva. Maganda siguro itong pang-Valentine’s presentation nila.

Washing Machine ‘di rin nakaligtas kina sanya at Derrick

Marami agad ang na-curious sa pelikulang Wild and Free ng Regal Multimedia, dahil sa lumabas na teaser sa social media.

Teaser pa lang, pasabog na agad na kung saan nakapatong si Sanya Lopez kay Derrick Monasterio.

Pareho naman kasing sexy ang dalawang Kapuso actors na ito, at tamang-tama lang itong Wlld and Free ang pelikulang magpapakilala sila bilang Kapuso sexy actor at actress.

Mabuti na lang ay naging kampante agad si Sanya kay Derrick kaya parang totoo talaga ang mga intimate scenes nila sa kotse, pati sa washing machine at kung saan-saan.

Abangan ang pelikulang ito na malamang magpapauso na naman ng mga sexy films na may katuturan naman, hindi yung basta hubaran lang.

Si Connie Macatuno ang direktor nitong pelikula na magsu-showing na sa October 10.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with