^

PSN Showbiz

Juday babawiin ang korona

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Juday babawiin ang korona
Juday

Babawiin ni Judy Ann Santos ang pagi­ging reyna niya sa TV drama sa pamamagitan ng Starla na pagtatambalan nila ni Raymart Santiago kasama sina Joem Bascon, Anna Luna, Meryll Soriano, Bodjie Pascua, Joel Saracho at Janus del Prado.

Limang taon nang absent si Juday sa paggawa ng drama sa small screen. Hindi naman siya totally nawala dahil nag-host siya ng isang children’s show, ang Bet On Your Baby. Huling serye niya ang Huwag Ka lang Mawawala na umere five years ago.

Speaking of Raymart, ratsada ang karera nilang magkakapatid, maganda ang role ni Rowell sa FPJ’s Ang Probinsyano, madalas na rin sa mga concert si Randy bukod pa sa pagiging judge nito sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Sa ABS-CBN, inaasahang magagamit muli ni Raymart ang kanyang husay sa pag-arte.

Hapi Ang Buhay… napapanahon, kapupulutan ng aral!

Marami ang naaliw nang mapanood ang Hapi Ang Buhay the Musical sa red carpet premiere nito sa Cinema 3 at 4 ng SM Megamall. Isa itong obra na sinulat at dinirek ng internationally acclaim na si Carlo Ortega Cuevas na nanalo bilang Best Director para sa Foreign Language Film para sa pelikula niyang Walang Take Two sa International Filmmaker Festival of World Cinema sa London at Best New Comer Filmmaker of the Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Ang huling movie niyang dinirek na Guerrero ay nanalong Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival at Best Editing in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival.

Isang matagumpay na sitcom ang Hapi Ang Buhay sa Net 25. Nasa ikatlong season na ito sa ere matapos ang commercial run ng Hapi Ang Buhay The Musical sa mga sinehan na iniba naman ang tema at ginawang isang musical na ang mga artistang gumaganap ay pawang mga baguhan sa kantahan at pagsasayaw. Kasama nila ang tatlong beteranong artista na sina Victor Neri, Antonio Aquitania at Mike Magat. Si Mike ay kabilang na rin sa cast ng TV sitcom.

Tungkol ang movie sa isang money lender na natagpuang nakahandusay sa isang eskinita sa Baranggay Kaysaya. Inakala ng lahat na patay na ito. Dahil dito ay marami ang naging sus­pect at napagbintangan sa krimen.Bukod sa nakakaaliw at nakakatawa ang pelikula, may mahalagang aral na mapupulot ang manonood lalo na sa paglaganap ng social media at ang mabuti at masamang dulot nito, at ng fake news.

Maganda ang cinematography ni Guancarlo Escamillas na kinilalang Best Cinematographer in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival nung 2017.

Mac puro de-kalidad ang katrabaho sa pagbabalik

Naswertehan naman ni Mac Alejandre na sa pagbabalik niya sa pagdidirek ng pelikula matapos ang maraming taon ng pagtatrabaho sa TV ay si Lav Diaz ang na-assign sa kanya para maging cinematographer sa kauna-unahan niyang indie film na Kaputol na nagtatampok kina Cong. Alfred Vargas at Cherie Gil. At hindi nag-iisa ang pamosong direktor din dahil magtutulungan sila ni Daniel Uy sa trabaho. Scriptwriter naman si Ricky Lee.

GMA mapipilayan kina Marian at Regine

Dapat lang habulin ng GMA si Regine Velasquez. Isang maasahang Kapuso ito. ‘Di lang sa pagkanta pwedeng isabak ito kundi maging sa pagarte din. Napatunayan din ng Asia’s Songbird na pwede siyang mag-host ng iba’t ibang klase ng programa, mula sa pagluluto hanggang sa mga singing contest.
Ngayong buntis na naman daw si Marian Rivera, mapipilayan ang network kung sabay silang mawawala ni Regine at hindi mapipigilan ng GMA ang pagsunod ni Regine kay Ogie Alcasid sa kabilang istasyon.

Mommy Divine may bagong kagagalitan?!

‘Di kaya magpuyos na naman sa galit si Mommy Divine ni Sarah Geronimo dahil inimbita nito para makapartner niya sa ABS-CBN Ball si Matteo Guidicelli? Mukhang ayaw nang papigil ng dalawa na ilantad ang kanilang ugnayan. Senyales na ba ito ng mas seryosong relasyon in the very near future?

Ang ABS CBN Ball na dating Star Magic Ball ay dinadaluhan ng mga Kapamilya na ang karamihan  ay magkakapareha talaga sa tunay na buhay – KathNiel, Bea Alonzo/Gerald Anderson, JaDine, LizQuen, JoshLia at marami pa. Isa na itong charity ball para sa Bantay Bata 163. Magaganap ito sa Makati Shangri-la Hotel sa September 29.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with