^

PSN Showbiz

Paglaya ni Bong kinaiinipan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paglaya ni Bong kinaiinipan na!
Bong

Sa September 25 ang 52nd birthday ni Bong Revilla, Jr. at sa September 30 ang grand premiere night ng Tres sa SM Megamall Cinema.

Hoping and praying ang fans at supporters ni Bong na may good news bago sumapit ang birthday niya, ang makalaya na siya mula sa apat na taon na pagkakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame para makadalo siya sa premiere ng action movie ng kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

Ang makalabas na si Bong ang birthday wish ng mga anak niya at ganoon din ang dasal ko pero ayoko nang umasa dahil madidismaya lang ako.

Maniniwala lang ako na free as a bird na si Bong kapag kasama ko na siya na kumakain sa kanyang favorite restaurant sa Quezon City na venue ng mga presscon para sa kanyang mga anak na stars ng Tres.

Gay lover ng isang aktor, ipinangalandakan ang ‘intimate moments’ nila 

Kasama sa cast ng isang pelikula ang aktor na ibinulgar ng kanyang jilted gay lover.

Hiwalay na ang dalawa kaya bilang ganti, inilabas ng baklita ang mga screenshot ng mga palitan nila ng sweet message ng aktor noong mag-dyowa pa sila.

Walang pakundangan ang baklita dahil pati ang detalye ng intimate moments nila ng aktor, may-I-share niya sa social media.

Tahimik lang ang aktor as in hindi nito pinapatulan ang mga ikinakalat ng kanyang ex-dyowa. Tama naman ang ginagawa ng aktor dahil kung sasagot siya, lalong magiging malaki ang eskandalo bilang palaban nga ang gay na inisa-isa ang lahat ng material things na ibinigay sa kanya.

Shy walang regret na tumigil sa pag-aaral

Hindi nagsisisi si Shy Carlos na huminto muna siya sa pag-aaral para mag-concentrate sa showbiz career niya.

Ang katwiran ni Shy, anytime, puwede siyang bumalik sa school pero mahirap pakawalan ang mga oportunidad sa showbiz na kusang dumarating sa kanya.

Ang Para sa Broken Hearted ang unang pelikula na ginawa ni Shy matapos tumigil sa pagpasok sa school.

Masaya si Shy dahil maganda at challenging ang role niya sa Para sa Broken Hearted. Wala raw siyang regret na pinili niya ang movie project kesa sa kanyang pag-aaral.

May dahilan para matuwa si Shy dahil ang acting niya ang napansin sa trailer ng pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa October 3.

Eddie at Tony tumanggap ng movie kuwento ng bading

Introducing sa Rainbow Sunset si Seki Sarmenta, ang 18-year old daughter nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

Ang Rainbow Sunset ang pelikula na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa. Kontrobersyal ang kuwento ng Rainbow Sunset dahil closeted gay lovers ang mga karakter nina Eddie at Tony na parehong 80-plus na ang mga edad.

Ang Heaven’s Best Entertainment ang producer ng Rainbow Sunset at si Harlene ang big boss ng movie company.

Kung hindi siguro si Harlene ang producer ng pelikula, hindi makukumbinsi si Seki na mag-artista.

Si Seki ang panganay na anak na babae nina Harlene at Romnick. Lumaki si Seki na hindi nito alam na mga artista ang mga magulang niya pero nagtataka siya kapag magkakasama sila at may mga lumalapit kina Harlene at Romnick para sa photo-op.

Ang Rainbow Sunset ang unang pelikula ni Seki kaya excited ito.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with