^

PSN Showbiz

JM pinayuhang mag-‘pagaling’ muna si Barbie bago magpaligaw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM pinayuhang mag-�pagaling� muna si Barbie bago magpaligaw
Barbie

Kamakailan ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Barbie Imperial at Paul Salas. Ngayon ay napababalitang si JM de Guzman ang bagong manliligaw ng dalaga na siya ring katambal sa teleseryeng Araw Gabi.

“Parang ang pangit po na magpaligaw ako agad. Saka hindi ba kapag kaka-break n’yo lang po may something pa rin sa sarili mo na ‘yung dati pa rin. Hindi naman na mahal mo pa rin siya, parang ang tagal n’yo kasi na naging kayo. So kung magpapaligaw ka sa iba, feeling ko sa akin hindi siya magwo-work talaga. So kawawa naman ‘yung guy. So kailangan muna mag-heal talaga,” makahulugang paliwanag ni Barbie.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay JM dahil sa suportang ipinapakita ng binata sa kanya. “Siya nga mismo nagsasabi sa akin na, ‘Oy! Huwag muna, mag-heal ka muna. Si JM talaga, hindi lang siya parang loveteam lang eh. Pareho kami, kapag may problema kami sinasabi namin sa isa’t isa. Nagkakaroon ng times na kapag sobrang down kami, nag-uusap talaga kami,” pagbabahagi ni Barbie.

Aminado ang aktres na hindi pa rin siya nakaka-move on mula sa naging hiwalayan nila ni Paul. “Siguro magsisinunga­ling ako kung sasabihin ko na naka-move on na ako, na super move on na. Paunti-unti po, getting there. Actually mas madali siya kasi mas ‘yung pag-iisip mo about do’n sa pinagmo-move-on-an mo, napupunta po siya sa trabaho,” pagtatapat ni Barbie.

Yassi natuwa nang makita sina Coco and Maine

May bulung-bulungan na posibleng makapag-guest si Maine Mendoza sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kasamang magbibida nina Coco at Maine si Vic Sotto sa pelikulang Jak Em Popoy: The Puliscredibles na isa sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Excited na ngayon pa lamang ang katambal ni Coco sa serye na si Yassi Pressman kung sakaling matutuloy ang pagpasok ng karakter ni Maine sa serye.

“Nakita ko nga po ‘yon, na-excite po ako na makasama din siya. Ang cute nga eh, nakita ko din po ang pictures (nina Coco at Maine na magkasama),” nakangi­ting pahayag ni Yassi.

Tatlong taon na ang itinatakbo ng serye kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga manonood na patuloy na tumatangkilik gabi-gabi rito. “Masaya po kaya very thankful, very happy. Three years na po kami, mga Kapamilya. Thank you, thank you, thank you ang lagi naming sinasabi sa tatlong taon,” giit niya. Ayon kay Yassi ay mas kapana-panabik ang mga eksenang kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ng kanilang programa. “Magugulat po kayo sa mga susunod na mangyayari. Kasi ngayon po nasa amin na ang Presidente. Hindi natin alam kung paano natin ma-handle dahil sa death ng family niya,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with