^

PSN Showbiz

Aktres nabukong hindi siya ang nagbi-bake ng cakes and pastries na pinamimigay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Muling lumutang ang kuwentong hindi naman totoo na ang isang kilalang female persona­lity ang nagbe-bake ng mga ipinagmamalaki niyang cakes at pastries.

Buong-ningning kasing ipine-press release ng babaeng personalidad na siya mismo ang gumagawa ng mga ibi­nebenta at inireregalo niyang pastries.

Pero mismong ang mga dati niyang kasama sa itinayo niyang negosyo ng cakes and pastries ang kumokontra sa kanyang mga promo, ilusyon lang daw ‘yun ng aktres, dahil hindi naman siya ang gumagawa nu’n.

Kuwento ng aming source, “Hindi na siya masyadong nagkukuwento tungkol sa pagbe-bake niya ng cakes and pastries, nabukelya na kasi ang mga kadramahan niya, ang mga tao mismong nakasama niya ang nagkukuwento na idinedeliber lang naman pala sa kanila ang mga produktong ipinagmamalaki ng girl.

“Nag-try daw nu’ng una ang female personality, pero hindi niya makuha-kuha ang lasa at paraan ng paggawa, kaya para maging mabilis ang proseso, may mga kinakausap na lang siyang bakers na magdadala sa kanya ng mga produkto.

“Meron na siyang nakahandang label, nilalagyan na lang nila ‘yun ng name ng girl, pero hindi naman talaga produkto ng bakeshop niya ang mga ipinagmamakaingay niyang cakes and pastries,” simulang kuwento ng aming source.

Sarado na rin ang restaurant na itinayo ng female personality sa isang mataong lugar sa isang siyudad, lugi ang kanyang business, dahil puro mga kaibigan lang naman pala niya ang kumakain sa naturang lugar.

“Inuuna kasi ng babaeng ‘yun ang pagyayabang. Kung isang puwesto lang ang kinukuha ng mga nagnenegosyo du’n, tatlo ang kinukuha niya. Malaki ang restaurant niya, pero hindi naman tinatao, puro friends lang niya ang nagpupunta du’n paminsan-minsan.

“E, ang laki-laki ng renta niya sa place, tatlong puwesto ‘yun, saan niya kukunin ang pambayad sa rental pa lang kung hindi naman tinatao ang restaurant niya?

“Kunsabagay, hindi naman niya pinoproblema ‘yun, kasi nga, marami siyang bulsang pinagkukunan ng mga ipinupuhunan niya. Alam na! Maga­ling ang babaeng ‘yun, kapag may nakikilala siyang madadatung, ‘yun na ‘yun! “Hindi na siya bata, naha­halata na ang mga pileges niya, ang laki-laki pa niya, kaya lalo siyang nagmumukhang mesyonda!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Erik 15 ang guest sa concert

Bukas ay huhusgahan na ang 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena. Grabe ang bentahan ng tickets para sa My Greatest Moment concert ng magaling na singer, ubusan ang labanan, kaya siguradong mapupuno niya ang higanteng arena bukas nang gabi.

At dahil ikalabinglimang taon na ni Erik sa mundo ng musika ay 15 special guests din ang kanyang makakasama sa direksiyon nila ng kanyang kaibigang si John Prats.

Ikatlong concert na ito ni Erik para sa Lucky 7 Koi Productions nina Tito Henry at Tita Lily Chua, panalung-panalo ang dalawang nakaraan nilang shows, kaya siguradong mas panalo ang gaganapin bukas nang gabi sa MOA Arena.

Kuwento ni Erik, “Parang kailan lang po ‘yun, pero fifteen years na pala ang nakararaan mula nu’ng Star In A Million. Marami akong pinagdaanang challenges, hindi po ako naging stable nang mabilisan.

“Gusto kong pasalamatan ang mga composers na gumawa ng mga songs ko, napakalaking tulong po sa akin ng mga compositions nila na palaging ginagawang theme song ng mga serye ng ABS-CBN.

“Nand’yan din ang family ko na anuman ang mangyari, nakasuporta sa akin. Mas ginagalingan ko po ang performance ko dahil nakikita ko silang proud na proud sa mga nangyayari sa career ko,” mapagkumbabang pahayag ng pinakamabangong singer kung tawagin ng ating mga kababayan.

Ikinuwento naman sa amin ni Tita Lily Chua na walang pagsisising mararamdaman ang mga manonood ng 15th anniversary concert ni Erik.

“Bumabantay ako sa rehearsal nila, ibang klase talaga si Erik, masarap siyang kuning artist dahil napaka-professional niya. Wala kaming naging problema sa kanya kahit kailan. ‘Yung pagiging mabuti niyang anak at kapatid ang mas nagpalapit sa kanya sa aming mag-asawa,” pahayag ng maalagang producer ng Lucky 7 Koi Productions.

vuukle comment

ERIK SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with