^

PSN Showbiz

Alex, mas minahal ang pamilya dahil sa bf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex, mas minahal ang pamilya dahil sa bf

Masayang-masaya ang relasyon nina Alex Gonzaga at Mikee Morada bilang magkasintahan.

Ayon sa aktres ay nakikita niya sa binata ang mga katangian ng sariling ama. “He’s like my dad. Very family man, hindi umiinom. Pa-involve din siya. Hindi siya nangingialam pero gusto niya alam niya ‘yung nangyayari sa buhay,” pagbabahagi ni Alex.

Mas napalapit at napamahal din ang aktres sa pamilya dahil sa tulong ng nobyo. “Because of Mikee mas napapamahal ako sa family ko, ‘yung naa-appreciate ko talaga sila. Finally I found a man na naiintindihan ‘yung dyna­mics namin as a family. Kasi gano’n din naman siya,” dagdag pa ni Alex.

Magkasundong-magkasundo ang magka­sintahan dahil hinahayaan lamang nila ang isa’t isa sa mga bagay na hilig nilang gawin. Dapat ay ini-enjoy daw muna ang buhay bilang single bago pa tuluyang lumagay sa tahimik. “We let each other do our thing. Do’n naman talaga tayo pa­punta. At least nagawa natin ang mga gusto natin and we are individually whole happy before we finally… sooner but not later,” makahulugang pahayag ni Alex.

Arci at JC may open relationship?!

Magpapaseksi sina Arci Muñoz at JC Santos sa pelikulang Open mula sa T-Rex Entertainment.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaka­tambal ang dalawa sa isang proyekto. Ayon kay Arci ay talagang kakaiba ang kanyang karakter at istorya ng bagong pelikula. “Never ako nakarinig ng kahit na sino sa circle ko na nagkaroon ng open relationship. So for me it’s really a sensitive topic. May perfect timing naman for us para mabigyan naman ng kaunting discussion. Kasi totoong nangyayari siya,” nakangi­ting pahayag ni Arci.

Kahit nakapagbida na sa mga pelikulang 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s’ ay siguradong maninibago rin umano si JC sa kanyang gagawin ngayon.  “Bago rin ito for me. Parang ano ba talaga? Paano ‘to gagawin? Sabi ko medyo mahirap ‘yung shift ng emotions. Bago sa akin ‘yung kwento ng long term tapos mag-try sila mag-open ng relationship,” pahayag naman ni JC.

Si Andoy Ranay ang gagawa ng pelikula at ayon sa direktor ay perso­nal niyang pinili sina Arci at JC upang makapagbida sa nasabing proyekto. “Matagal ‘yung naging proseso ng casting kasi medyo delikado ang tema. Kailangan ko ng matatalino at matatapang na artista para gumanap doon sa dalawang main characters,” paliwanag ni direk Andoy.

Inaasahang ipalalabas ang pelikula bago magtapos ang taon.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with