^

PSN Showbiz

Gabby-Sharon pasasayahin ang mga teacher, Gabay Guro 11 years na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabby-Sharon pasasayahin ang mga teacher, Gabay Guro 11 years na
Chaye at Gabby

“Naman!” ang sagot ni Gabby Concepcion nang tanungin kung posible ba na magkaroon sila ng duet ni Sharon Cuneta sa 11th anniversary ng Gabay Guro at grand gathering ng mga teacher sa darating na Linggo, September 23.

Siyempre, na-excite ang fans ng Gabby-Sharon sa sagot ni Gabby dahil ang akala nila, estranged uli sa isa’t isa ang ex-couple na nagkaroon ng isyu noon kaya hindi natuloy ang pelikula na gagawin ng dalawa para sa Star Cinema.

In good mood si Gabby sa grand presscon ng Gabay Guro noong Lunes kaya kahit napilitan, sinagot niya ang mga tanong tungkol kay Sharon, basta may kinalaman pa rin sa event na pinagkakaabalahan ng aking favorite PLDT executive, si Chaye Cabal-Revilla, ang chairperson ng Gabay Guro na labing-isang taon nang nagbibigay ng parangal at pagpapahalaga sa mga teacher na isa sa mga tunay na bayani ng ating bayan.

Star-studded ang 11th anniversary ng Gabay Guro sa September 23 dahil hindi lamang sina Gabby at Sharon ang invited guests.

Performers din sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Pops Fernandez, Randy Santiago, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jovit Baldivino, Jaya at marami pang iba.

Ang Mall of Asia Arena ang venue ng grand gathering ng Gabay Guro kaya mag-expect tayo na magkakaroon ng traffic sa area dahil sa pagtitipon-tipon ng libo-libong mga teacher.

Hindi nakakadalo ang lahat ng mga guro sa grand gathering dahil hindi madali para sa kanila ang lumuwas ng Maynila.

May naisip na solusyon si Mama Chaye para maging belong din ang mga teacher mula sa mga probinsya na malalayo.

Ang ginawa ni Mama Chaye, dinala niya ang grand gathering ng Gabay Guro sa Bataan, Butuan at Bulacan.

Kasado na rin ang plano na Teacherfest cele­bration ng Gabay Guro sa Ilocos, Cebu at Davao.

Sina Gabby at Regine ang ilan sa mga showbiz personality na  nakasama ni Mama Chaye sa provincial tour ng Gabay Guro na naisakatuparan dahil sa pakikipagtulungan ng local government units.

Bongga ang mga event ng Gabay Guro dahil sa raffle prizes na natatanggap ng lucky winners.

Tulad ng mga nagdaan na taon, nakakaloka ang mga naghihintay na premyo sa mga guro na dadalo sa grand gathering at malaki ang chance na manalo sa raffle draw ng  livelihood packages, sasakyan, brand new house and lot, home ap­pliances,  gift certificates, gadgets at smartphones.

Mga smartphone at Ipad Pro ang ipina-raffle ng Gabay Guro sa grand presscon noong Lunes at kahit hindi ako nag-win, nabigyan ako ng brand new Ipad na mapaglalagyan ko ng mga favorite Koreanovela na sinusubaybayan ko sa kasalukuyan.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with