^

PSN Showbiz

Roxanne mas bida sa abay…

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Roxanne mas bida sa abay�
Roxanne

Broken Hearted at Tres may salpukan sa takilya!

SEEN: Sina President Rodrigo Duterte at Senate President Tito Sotto ang dalawa sa mga principal sponsor sa civil wedding nina Senator Koko Pimentel at Kathryna Yu sa October 18.

SCENE: Neutral colors ang motif at modern Filipiniana ang requested attire sa mga invited guest sa araw ng kasal nina Senator Koko Pimentel at Kathryna Yu na magaganap sa The Coconut Palace sa ganap na ika-anim ng gabi.

SEEN: Matipid ang mga sagot ni Yassi Pressman nang tanungin sa presscon ng Para sa Broken Hearted tungkol sa lovelife niya. Hindi rin binanggit ni Yassi ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na nagpakirot sa puso niya.

SCENE: Ang Para sa Broken Hearted ng Viva Films at ang Tres ng Imus Productions ang magkatapat sa takilya sa October 3. Romantic drama ang Para sa Broken Hearted at hardcore action movie ang Tres.

SEEN: Biggest movie break ni Roxanne Barcelo ang Abay Babes dahil siya ang bride at mga abay lamang niya sina Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Nathalie Hart at Meg Imperial. Mas importante ang karakter ni Roxanne sa Abay Babes na magbubukas ngayon sa mga sinehan.

SCENE: Totoo ang sinabi ni Meg Imperial na si Jake Zyrus ang peg niya sa kanyang tomboy role sa Abay Babes. Jake na Jake ang acting ni Meg na Jade Zyrus ang pangalan sa pelikula.

SEEN: Hindi nabale-wala ang panawagan ni Mystica kay Coco Martin dahil mapapanood na rin siya sa Ang Probinsyano. Tinulungan din ni Coco ang child actress na si Rhed Bustamante na binigyan niya ng role sa kanyang top-rating primetime show sa ABS-CBN.

SCENE: Marami ang nanghihinayang sa na­ging kapalaran ni Mystica na may pinarerentahan noon na bahay sa Amerika at dating kapitbahay ni AiAi delas Alas sa isang private village sa Quezon City. Napunta sa wala ang mga ari-arian na naipundar ni Mystica noong in demand dancer pa ito sa US bago siya umuwi ng Pilipinas para matupad ang pangarap na magkaroon ng showbiz career.

vuukle comment

ROXANNE BARCELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with