^

PSN Showbiz

Cristine kabog sa kaseksihan ang ibang aktres na walang anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Cristine kabog sa kaseksihan ang ibang aktres na walang anak
Cristine

Huhusgahan ngayong Miyerkules ang bagong handog ng Viva Films, ang sexy movie na Abay Babes na tinatampukan nina Cristine Reyes, ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa, ang preggy ngayon na si Nathalie Hart, Meg Imperial at Roxanne Barcelo. Ito’y mula sa direksiyon ng Kapamilya resident director na si Don Cuaresma.  Tampok din sa nasabing pelikula sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista, Candy Pangilinan at iba pa.

Sa limang female lead stars, tanging si Cristine lamang ang may asawa’t anak, habang nakatakda namang ikasal si Nathalie sa kanyang Indian national businessman boyfriend na si Mayank Sharma this December. Isang certain Michael Needham naman ang napapabalitang boyfriend ni Kylie habang parehong loveless ngayon sina Meg at Roxanne.

Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa’t anak, talo pa ni Cristine ang ibang single sexy stars kung paseksihan din lamang ang pag-uusapan. Si Cristine ay kasal sa mixed martial arts artist-actor na si Ali Khatibi at meron na silang tatlong taong gulang na anak na si Amarah.  Si Meg ay na-link noon sa Kapamilya actor na si JM de Guzman pero klinaro ng Viva actress na hindi umano naging sila pero hindi niya ikinakaila na kaibigan niya ang actor. 

Nasa dating mode naman si Meg ngayon sa isang non-showbiz guy. Early this year naman ay nagkahiwalay sina Roxanne at ang ex-boyfriend niya of over  four years, ang American-German model-actor na si Will Devaughn.

Janine dinadalaw-dalaw na lang ang pamilya sa weekends

Kahit nagso-solo na ang Kapuso star na si Janine Gutierrez sa kanyang biniling condo unit, she gets to see her estranged parents na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher and her younger siblings on weekends when she does not have work maging ang kanyang Mamita, ang Asian Queen of Song na si Pilita Corrales.

After her brief romance with Elmo Magalona, nali-link naman ngayon si Janine sa bagong lipat sa Kapuso network na si Rayver Cruz.

Si Janine ay napapanood ngayon sa Victor Magtanggol at may movie siya sa bakuran ng Regal Films kung saan naman niya kapareha ang Kapamilya Actor na si Enchong Dee, ang Elise.  Ang dalawa ay unang nagtambal sa isang horror movie in 2016 na pinamagatang Lila na dinirek ni Gino Santos.

Derek at gf hinihintay na ang kasal

Marami na rin ang nag-i-expect na sa kasalan na mauuwi ang relasyon ng Fil-British model-turned actor na si Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz live-in girlfriend na si Joanne Villablanca na may 11-year-old daughter sa past relationship nito. Si Derek naman ay may teenage son sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na si Austin.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with