^

PSN Showbiz

Ejay ‘di pinag-ingay ang ginagawang Korean series!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ejay �di pinag-ingay  ang ginagawang Korean series!
Ejay at Chae Soo-bin

Nag-taping na si Ejay Falcon para sa Where Stars Land, ang Korean television mini-series na tinatampukan niya at pinagbibidahan ng Korean stars na sina Lee Je-hoon at Chae Soo-bin.

Hindi ko kilala sina Lee Je-hoon at Chae Soo-bin pero proud and happy ako para kay Ejay na tahimik at low-profile.

Maipagmamalaki ang humility ni Ejay dahil may international television project siya na hindi niya ipinagyabang at ipinag-iingay.

Nang magkita kami ni Ejay sa thanksgiving party ng Regal Entertainment Inc. para sa Unli Life, “hindi pa niya alam” ang kanyang sagot nang tanungin tungkol sa next project niya.

‘Yun pala, starring siya sa isang Korean television mini-series na mapapanood sa SBS simula sa October 1. Ang SBS o ang Seoul Broadcasting System ang national television at radio company sa South Korea.

Magaling na artista, guwapo at mabait si Ejay. Sure ako na mapapansin siya ng SBS executive at kapag nangyari ito, imposible na hindi masundan ang television project niya.

Malaki  ang chance ni Ejay na ma-meet ang mga sikat na Korean stars na kinahuhumalingan ng fan na kagaya ko. I-wish natin na maging successful ang television career ni Ejay sa South Korea dahil karangalan ito ng Pilipinas at ng sambayanang Pilipino.

Siyempre, mega proud sa bagong achievement ni Ejay ang kanyang manager na si Perry Lansigan.

Tuwang-tuwa si Perry dahil ayon sa kanya, si Ejay ang unang Pinoy na magbibida sa isang Korean television show.

May 40-episodes ang Where Stars Land na mapapanood sa SBS tuwing Lunes at Martes mula October 1 hanggang December 4, 2018.

Hindi sina Lee Jo- hoon at Chae Soo-bin ang original choice bilang lead stars ng Where Stars Land dahil unang inialok ito kina Hyun Bin at Park Shin-hye pero tumanggi ang dalawa.

Second choice sina Park Bo-gum at Bae Suzy na dinedma rin ang offer ng SBS.

Incheon Airport People ang original title ng mini-series pero ang Where Stars Land ang final choice na pamagat. Base sa title, mangyayari sa airport ng South Korea ang kuwento at mga eksena ng Where Stars Land.

At dahil may mga Pinoy na kasali sa cast, hindi malabo na ipalabas din sa mga television network sa Pilipinas, sa GMA 7 o ABS-CBN, ang Where Stars Land.

Ryzza feel na feel na ang pagdadalaga

Dalaginding na si Ryzza Mae Dizon sa recent encounter namin.

Nanibago ako nang magkita kami ni Ryzza dahil dalagita na ito, kahit hindi masyadong matangkad.

Feel na feel ni Ryzza ang pagdadalaga dahil marunong na siya na mag-ayos sa sarili at magbihis.

Never na huminto si Ryzza sa pag-aaral sa kabila ng pagiging busy sa kanyang mga showbiz commitment  kaya perfect ang pagsasalita niya ng American language.

Regular na napapanood si Ryzza sa Eat Bulaga at sa Sunday Pinasaya. Halos wala rin pahinga si Ryzza dahil tuwing Sabado ang       a.

Sina Ryzza at Jillian Ward ang dalawa sa mga former child star na hindi naramdaman ang awkward age dahil tuloy-tuloy ang pag-aartista nila.

Hindi sila nawawalan ng mga television assignment mula nang mag-um­pisa ang kanilang mga showbiz career.

Hindi  katulad sina Jillian at Ryzza ng ibang mga child actor na napilitan na huminto sa pag-arte dahil wala nang mga role na maibigay sa kanila.

vuukle comment

EJAY FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with