^

PSN Showbiz

Alden sasamahan na ng mga Sanggre!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden sasamahan na ng mga Sanggre!
Alden

Sari-sari ang reaksyon ng fans sa guesting ng apat na Sanggre’s ng Encantadia sa Victor Magtanggol, ang primetime telefantasya ni Alden Richards sa GMA 7.

May mga nagulat at hindi makapaniwala pero mas marami ang excited dahil masisilayan nila muli sa tele­bisyon ang magkakapatid na Pirena, Amihan, Alena at Danaya na ginagampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Si Glaiza ang unang nag-post noong Biyernes sa Instagram ng litrato nila nina Kylie at Gabbi na may caption na “Abangan.”

Kinagabihan, si Kylie naman ang naglabas sa social media ng picture nila na suot ang kanilang Encantadia costumes.

Hinintay muna ni Kylie na ipakita sa Victor Magtanggol ang teaser tungkol sa co­ming soon guesting ng apat na diwata ng Encantadia na kahit wala na sa ere, popular telefantasya pa rin ng Kapuso Network.

Ang split second teaser ang confirmation na magiging bahagi ng primetime show ni Alden ang mga Sanggre kaya looking forward ang fans ng Encantadia sa pag-apir ng kanilang mga hinahangaan na karakter.

Maine inuungutan din sa VM

May emote naman ang fans na matagal nang nagre-request na i-guest sa Victor Magtanggol si Maine Mendoza.

Hindi nawawalan ng hope ang loyal supporters nina Alden at Maine na pagbibigyan ang kanilang munting kahilingan.

Nangako ang fans na tututukan nila ang Victor Magtanggol kapag nag-guest si Maine.

Naniniwala ang mga tagahanga ni Maine na kahit hectic ang schedule nito, magagawan ng paraan ang paglabas niya sa show ni Alden.

Busy na si Maine sa shooting ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles kaya may mga araw na hindi siya napapanood sa Eat Bulaga.

May hinahabol na deadline ang mga produ ng filmfest entry nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine kaya sa ngayon, parang mahirap tumanggap ng ibang trabaho ang dalaga.

Namayagpag sa ratings ang month-long guesting ni Maine sa Daig Kayo ng Lola Ko. May mga humi­ling na i-extend ang participation ni Maine sa Daig Kayo ng Lola Ko pero hindi na napagbigyan dahil nagsimula na nga ang shooting niya para sa pelikula nila nina Bossing at Coco na official entry sa Metro Manila Film Festival sa December.

Mga naapektuhan ng bagyo kailangan ng dasal

I spoke too soon. Naloka ako kahapon dahil sa malakas na hangin at ulan na epekto ni Super Typhoon Ompong.

Ang akala ko talaga, humina na si Ompong dahil ito ang balita na napanood ko sa mga television news program.

Hindi ko na-feel na nabawasan ang lakas ng bagyo dahil Signal Number 1 sa Metro Manila pero dahil sa hangin, parang Signal Number 3 ang pakiramdam ko.

Nakakabahala talaga ang sitwasyon sa Northern Luzon na binayo nang husto ni Ompong. Signal number 4 ang lakas ng bagyo sa Northern Luzon kaya na-i-imagine ko ang takot na bumabalot sa mga kababayan natin doon.

Ang Ilocos Norte ang isa sa mga sinalanta ni Ompong. Si Imee Marcos ang governor ng Ilocos Norte at knowing her, tiyak na naka-monitor siya sa mga ganap sa probinsya niya.

Malamang na walang tulog si Governor Imee dahil ang kapakanan ng mga kababayan niya ang kanyang concern at priority.

Parang kailan lang nang makasama namin si Governor Imee sa meet-and-greet niya sa entertainment press at lahat kami eh walang alam na may super bagyo na darating sa bansa natin.

Ipagpatuloy natin ang pagdarasal at pagtulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng bagyo.

Tumatanggap ng tulong ang mga foundation ng ABS-CBN at GMA 7 para sa ating mga kababayan na sinalanta ni Ompong.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with