_ngayon
^

PSN Showbiz

Balikang Mark at Claudine, ‘di na tuloy!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Balikang Mark at Claudine,  âdi na tuloy!
Claudine

PIK: Tuluy-tuloy ang magandang ratings ng The Clash kung saan pakonti nang pakonti ang naglalaban kung saan walo na lang ang maiwan mamayang gabi.

Kaya pahirap nang pahirap naman daw lalo dahil talagang magagaling na ang naiiwan. Kaya naman si Regine Velasquez na ang madalas na kinukunsulta ng mga judges na sina Christian Bautista, Lani Misalucha at AiAi delas Alas.

Pero pagkatapos ng finals, ano kaya ang susunod na gagawin sa kanila. Kaya sana matuloy ang sinasabi ng mga GMA executive na magkakaroon ng musical show para magamit ang mga magaga­ling na lumaban sa The Clash.

PAK: As of presstime, aligaga pa ang ate ni LJ Reyes sa paghahanda sa Gender Reveal party para sa kanila ni Paolo Contis.

Kinagabihan pa ang party na dadaluhan ng mga close friends at ramdam na namin ang excitement sa magkasintahan.

Parang feel na feel kasi ni LJ na girl ang magi­ging baby niya, pero baka si Paolo ang magwagi dahil okay na raw sana sa kanya kung baby boy ito.

Ang isa pang wish sana ni Paolo na makausap niya ng personal ang dalawang anak niya kay Lian Paz para sabihing magkakaroon na sila ng kapatid.

Matagal na pala niyang hindi nakakausap ang mga anak niya kay Lian, kaya sana magkaroon daw siya ng pagkakataong makausap sila.

Mas lalo nga raw siyang na-inspire ngayong magtrabaho dahil may dagdag na siyang anak, at thankful naman daw siya sa GMA 7 dahil nung sinabi niya sa mga executives ang kalagayan ni LJ, nangako naman silang dagdagan pa siya ng trabaho.

BOOM: Ngiti lang ang sagot ni direk Sigrid Bernardo nang tinanong kung si Claudine Barretto pa rin ba ang gaganap sa pelikulang gagawin niya sa Viva na kukunan ang karamihang eksena sa Georgia.

Ang latest kasing nabalitaan namin, umalis na raw si Claudine sa Viva kaya mukhang hindi na siya ang kinuha para sa pelikulang iyun. Ito dapat ang project na balik tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez, pero mukhang hindi na rin kasali ang naturang aktor.

Inaalam pa namin kung bakit wala na siya sa Viva. Ang isa pa sa narinig namin ay bumabalik daw siya sa Star Magic.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with