Janno
Janno gustong mag-shake ang career
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

Noong Huwebes ay pumirma na si Janno Gibbs ng recording contract sa Star Music. Masayang-masaya ang singer-actor dahil muli siyang makababalik sa pagkanta pagkatapos ng ilang taong pamamahinga sa show business. “I’m in this point in my career na kailangan ko naman to shake things up, you know, fresh. Medyo naging comfortable ako lately. So I need to shake things up,” makahulugang pahayag ni Janno.

Isang bagong kanta ang nakatakdang ilabas ng singer na siya rin mismo ang sumulat. “The title is Feeling JKL meaning feeling JaDine (tambalan nina James Reid at Nadine Lustre), KathNiel (tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), LizQuen (tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil). Ako, aside from being a fan of the love teams, the song is about ‘pag kasama kita, I feel young,” pagdedetalye ni Janno.

Umaasa umano ang aktor na mas marami pa siyang magagawang trabaho sa ABS-CBN sa kanyang pagbabalik-trabaho ngayon. “I hope so, na-try ko na sa Ang Probinsyano, I guested in ASAP, Showtime, GGV (Gandang Gabi Vice). So far masaya ako, hopefully magtuloy-tuloy,” giit niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin muling makatrabaho ni Janno ang dating mga kasamahan sa GMA at ngayon ay kapwa Kapamilya stars na rin katulad nina Ogie Alcasid at Jaya. “Si Ogie kasama ko sa mga guesting. Si Jaya I’ve seen her here. I missed them. ‘Pag nagkakausap kami over the phone, kahit sila nagpo-post na we miss working together. More than 10 years kami magkakasama so ayun. Iba ang friendship kasi magkakaibigan kami. Pero ‘yung working together, we miss that of course,” pagtatapos ni Janno.

Kahit ‘di pa nakikilala ang bf, Gabby tanggap ang pagpapakasal ni KC 

Masaya si Gabby Concepcion para sa buhay pag-ibig ngayon ng anak na si KC Concepcion. Kasintahan ng dalaga si Pierre Emmanuel Plassart na isang French. “Kahit na ano ang gusto niya, ‘yon na din ang gusto ko, walang problema,” nakangiting bungad ni Gabby.

Ilang taon nang kakilala ng dating asawa na si Sharon Cuneta ang ka­sintahan ni KC pero hanggang ngayon ay hindi pa raw naipapakilala ni KC kay Gabby ang binata.

“Hindi ko pa nakikilala pero mukhang mabait naman. Wala pa, pinababayaan ko na lang. Alam mo, tayo ‘pag in-love tayo minsan nakakalimutan natin ‘yung nasa paligid natin. Gan’on talaga ‘yon kahit sino,” pagtatapat ng aktor.

Wala ring magiging problema kay Gabby kung sakali mang magpaalam si KC na magpapakasal na sila ng kasintahan. “I’ll be ready. Alam mo naman ako, sala sa init, sala sa lamig,” pahayag ng aktor.

JANNO GIBBS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with