Kylie at Aljur
Kylie at Aljur, kasal na raw!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

Miss World candidate member ng LGBT ang mga Tito at Tita

PIK: Ang daming early favorites sa 40 candidates ng Miss World Philippines 2018 na ipinakilala sa press launch nito nung nakaraang Martes, September 11 sa Resorts World Manila.

Isa sa mga kandidatang nakatuwaan naming tsikahin ay ang 25-year old na reporter at producer ng Basketball TV ng Solar Entertainment Corporation na si Monique Cuyugan Tuzon.

Nung nakaraang taon lang siya nakabalik ng bansa pagkatapos niyang mamalagi sa North Carolina, USA. Nagtrabaho siya sa Solar at doon nga siya naispatan ng Aces and Queens ni Jonas Gafud at kinumbinseng sumali sa Miss World PH.

Sa 40 candidates na lalaban sa October 7, si Monique lang ang open sa pagpapahayag ng kanyang advocacy para sa LGBT Community.

Isa siya sa naniniwala na dapat ay magkaroon na raw ng same sex union dito sa ating bansa.

Ramdam niya ito at nakikita niya dahil lumaki siya sa dalawang auntie niyang lesbian at nakatira raw siya ngayon sa tiyuhin niyang gay na me­rong partner. Pati ang step sisters niya ay lesbian din daw.

Sabi pa ni Monique; “I’m living with my uncle, recently he got married to his partner here in the Philippines, parang ceremony lang.

“Parang naapektuhan ako… I see the legal side of it that they can’t do, they can’t have a mortgaged together. They can’t adopt the child…multiple reasons.

“They can’t claim themselves. They have to put single.

“So, if my Tito’s dying, my other Tito, his partner can’t make the call.

“They have to see the legal aspects of same sex union, and I really just wanna remind people and see why that it’s really really positive thing to do.”

So far, sa social media lang daw muna niya naidadaan ang gusto sana niyang iparating sa lahat na dapat gawing legal na ang partnership ng dalawang gay o miyembro ng LGBT.

PAK: Nakakatuwa nang nakita namin si Cogie Domingo sa shooting ng Man and Wife na dinirek ni Laurice Guillen ng Cineko Productions. Okay na okay na ang hitsura niya at sabi nga niya, “clean slate na tayo.”

Tuluyan na nga raw niyang iniwan ang dating bisyo na talagang sumira sa buhay niya at career.

Thankful si Cogie dahil nandiyan ang buong pamilya at ang asawa niya na talagang nakasuporta sa pagbabalik niya.

Kaya ang gusto nga raw niyang iparating sa lahat lalo na sa mga kabataan, talagang iwasan ang bisyo ng pagdudroga.

Sabi ni Cogie; “Number one na maipapayo ko is stay away from drugs, lalo na sa panahon ngayon.

“Kasi di ba…you’re just messing with your own lives, but other lives, pati yung pamilya mga nagmamahal sayo mga sumusuporta sayo.”

Kakaiba ang role ni Cogie dito na kung saan wala siyang dialogue pero hindi naman daw siya pipi.

Natutuwa naman si direk Laurice at ang taga-Cineko dahil wala siyang bini­bigay na problema sa shooting.

BOOM: Very reliable ang source naming napagkasunduan na raw ng magkasintahang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na magpakasal na bago matapos ang taong ito.

Bandang November daw gagawin na baka itaon nila sa birthday celebration ni Robin Padilla.

Ang unang kuwento sa amin ng aming source, nagpakasal na raw ang dalawa sa Bataan.

Kaagad na itinanggi ito ng mga taga-GMA Artist Center.

Ang maaring totoo raw at baka mangyari nga ito ay ang balak nila sa November. Hindi lang nila alam kung sa Bataan nga ba ito gagawin.

Sa isang resort kaya doon sa Bataan ang pagdausan ng kasal?

Abangan na lang natin ang kanilang official statement kaugnay sa plano ng dalawa.

ALJUR ABRENICA KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with