Maymay
Maymay may hangover pa kay Tyra Banks
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

Hindi akalain ni Maymay Entrata at na-overwhelm siya sa mga magagandang salita na binitawan tungkol sa kanya ni Tyra Banks ng Asia’s Next Top Model nang mapasa-kamay nito ang ilang larawan na kuha sa PBB winner at maituturing na pinakamabilis na sumisikat na Kapamilya artist.

Ilang mga ordinaryong larawan lamang ‘yon na kinunan hindi para sa matagumpay na programa na naghahanap ng mga bagong modelo pero, just the same nakuha nito ang atensyon ng pamosong personalidad at host ng ANTM.

Proud si Maymay at hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni Banks pero, sa sobrang dami ng ginagawa niya ngayon, mata­tagalan pa bago siya makapag-undergo ng training para sa mga modelo. Pero, gustung-gusto niya at bahagi ng kanyang dreams ang maging isang sikat na fashion model.

Anne dinamayan sa depresyon si Jasmine

Walang nakakaalam maliban na lamang sa kan­yang immediate family na dumaan sa isang de­pres­yon si Jasmin Curtis Smith. Maswerte siya na nasa tabi lamang niya ang kanyang kapatid na si Anne Curtis. Hindi siya nito iniwan at sinamahan sa panahong kailangang-kailangan niya ng makakasama at makakausap.

Sa panahon ng depresyon niya ay abalang-aba­la sa kanyang mga sariling gawain ang “ate” niya pero nakagawa ito ng oras para siya ay maalalayan.

‘Yun si Anne na sa sobrang kabaitan sa kapatid ay patuloy sa kanyang pagtatagumpay ngayon. Bukod sa napakagandang takbo ng kanyang marriage ay patuloy sa pag-angat ng rating ang It’s Showtime. Napakalaking tagumpay din ang tinamo ng kanyang action film na BuyBust dito at sa abroad. Tapos, sa December pa naka-schedule na mapanood ang Aurora pero, sa mga teaser pa lamang at trailer ng pelikula ay humahakot na ito ng papuri at paghanga sa mga netizen.

Obvious na lalaban ang movie ng sabayan kina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto sa MMFF 2018.

Pepe-Ritz movie kailangan  ng word of mouth

Dalawampu’t tatlong sinehan lamang ang nakuha ng The Hopeful Romantic movie nina Pepe Herrera at Ritz Azul na nagsimulang mapanood nung Miyerkules. ‘Di dapat malungkot ang mga nasa likod ng pelikula at ang lumalaking bilang ng mga supporter ng bagong tambalan dahil nakakaaliw ang movie.

Nakakatawa si Pepe at so­brang kaseksihan ang ipina­ma­malas ng dating prinsesa ng TV5 na si Ritz. Kapag dumami ang manonood nito via word of mouth ay dadami at dadami ang mga sinehang nagpapalabas nito. Maniwala lang sila na may ibubuga ang THR at sulit ang ibabayad ng manonood.

Rita sineryoso ang pagiging prosti

Kahit challenging ang kanyang role bilang si Aubrey na isang prostitute sa My Special Tatay, game na game ang Kapuso actress at singer na si Rita Daniella na makakatrabaho si Ken Chan. Talagang pinaghandaan ito ni Rita, from the looks hanggang pananalita pati na rin sa paggalaw.

No wonder sobrang epektibo nito sa mga mano­no­od dahil siya na ang kinaiinisan sa tuwing pinanonood nila ang afternoon soap.

MAYMAY ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with