Beauty
Asintado papalitan ng Kadenang Ginto!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

Malapit nang magtapos sa ere ang afternoon TV series na Asintado na pinangungunahan nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Aljur Abrenica, Paulo Avelino na tinatampukan di nina Lorna Tolentino, Agot Isidro, Nonie Buencamino, Louise de los Reyes, Desiree del Valle at iba pa. Ito’y produksyon ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Come October ay ipapalit naman dito ang Kadenang Ginto na tatampukan naman nina Albert Martinez, Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Kasama rin sa nasabing serye sina Luis Allandy, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Ronnie Lazaro, Luke Conde at Kyle Echarri.

Si Beauty ay huling napanood sa isa ring panghapong serye, ang Pusong Ligaw na nagtapos nung January 12, 2018.

Hindi naman nawawalan ng TV project si Albert sa bakuran ng Kapamilya Network. Nung isang taon ay nakagawa siya ng dalawang teleserye, ang La Luna Sangre at The Good Son. Sa taong ito ng 2018 ay may tatlo siyang TV series.

Matapos mamatay ang character ni Paulo Avelino sa Asintado, mapapanood naman siya sa The General’s Daughter na tinatampukan nina Angel Locsin, Maricel Soriano, Ryza Cenon, Ja­nice de Belen, Eula Valdez, Tirso Cruz III, Alessandra de Rossi, Sid Lucero, JC de Vera, Arjo Atayde, Loisa Andalio, at Ronnie Alonte.  

Gabby at Jodi susubok sa MMFF

Umaasa ang mga taga Obra Cinema at Cineko Productions na sana’y makapasok sila sa Magic 8 ng 2018 Metro Manila Film Festival para sa kanilang pelikulang Man & Wife na first team-up nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Nakapag-last shooting day na ang Man & Wife (originally Gulong ng Palad) last Thursday, September 13.

Bukod kina Gabby at Jodi, kasama rin sa pelikula sina Amy Austria, Liza Lorena, Denise Laurel, Edgar Allan, Ina Feleo, Francis Mangundayao, Angelica Ulip, Dexter Doria, Cogie Domingo, Teroy Guzman at ang Kapuso young star na si Klea Pineda.

Second attempt na ito ng Cineko Productions na sumubok sa MMFF na kanilang sinimulan sa Mang Kepweng Returns na pinagbidahan ni Vhong Navarro mula sa direksiyon ni G. B. Sampedro pero ito’y hindi pinalad na makapasok. Sa halip, ito’y ipinalabas nung January 4, 2017 at naging mala­king hit.

Vhong is soon to start his second movie sa bakuran ng Cineko Productions.

BEAUTY GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with