Bea nagkakandangiwi na ang mukha sa paglamutak ni bing
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2018 - 12:00am

Nakakaloka naman pala ang mga pagtataray ni Bing Loyzaga sa Kapag Nahati ang Puso kaya kinabubuwisitan siya ng televiewers.

Ibang klase ang pagiging kontrabida ni Bing sa teleserye ng GMA 7 dahil literal na nilalamutak niya ang mukha ni Bea Binene.

Nagkakandangiwi ang itsura ni Bea dahil ang mukha niya ang paborito na pigain ni Bing sa mga confrontation scene nila.

Ang feeling nga ng viewers, totoo at hindi acting ang pag-iyak ni Bea dahil sa brutal na paglamas ni Bing sa mukha niya.

Dahil sa effective na pagganap ni Bing, iniisip talaga ng mga tao na maldita siya sa tunay na buhay pero wala naman itong katotohanan.

Carla magma-maldita naman!

Balik-telebisyon si Carla Abellana dahil sa nalalapit na airing ng Pamilya Roces. Excited na ang fans ni Carla dahil maganda ang role niya bilang panganay sa magkakapatid ng Roces family.

Ang sabi ni Carla, ang karakter niya sa Pamilya Roces ang pinaka-challenging role to-date dahil sobrang opposite nito sa kanyang ugali sa tunay na buhay.

Hindi kasi sanay si Carla na nagsusungit at hindi mainitin ang ulo niya. Sa mga nakaraan na teleserye ni Carla, siya ang palaging umiiyak at inaapi kaya tiyak daw na magugulat ang fans niya sa kanyang papel sa Pamilya Roces.

Matagal na hindi napanood si Carla sa isang regular drama series ng GMA 7 pero hindi niya masyadong naramdaman dahil sa dami ng kanyang mga pinagkakaabalahan.

Hands on si Carla sa pamamahala sa branch ng Posh Nails sa 3rd level ng Ayala Malls Feliz. Natutuwa si Carla dahil talagang pinupuntahan ng supporters niya ang kanyang business na nagbukas noong March 2018.

Si Cat Ilacad ang may-ari ng Posh Nails at hindi siya nagkamali na ipagkatiwala kay Carla ang franchise ng negosyo niya.

Hanga si Cat kay Carla dahil mahusay ito na negosyante at manager ng Posh Nails. Si Cat ang anak ni Octoarts Films producer Boss Orly Ilacad at successful ang mga business na binuksan niya.

Marian hindi ilusyonada

Hindi ilusyonada si Marian Rivera kaya ipinapaubaya nito kina Julie Anne San Jose at Christian Bautista ang pagkanta sa early Christmas show nila sa The Grove ng Anaheim sa October 7, ang Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim.

Kahit hindi siya singer, ipinangako ni Marian na pasasayahin niya ang mga kababayan natin na manonood ng show nila. Babawi rin siya sa pamamagitan ng pagsayaw na talagang forte niya.

Kasama ni Marian sa Paskuhan at Kantawanan ang kanyang BFF at kambal na si AiAi delas Alas. Gamay na gamay ng dalawa ang ugali ng isa’t-isa kaya siguradong riot ang mga gagawin nila sa Anaheim show ng GMA Pinoy TV.

Limang araw na mananatili si Marian sa US kaya mami-miss daw niya si Zia. Sa tono ng boses ni Marian, parang mas malaki ang tsansa na isama niya ang bagets sa kanyang US show sa susunod na buwan.

BING LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with