_ngayon
^

PSN Showbiz

M Butterfly ginastusan ng milyun milyon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
M Butterfly ginastusan ng milyun milyon
M Butterfly

Gabby ayaw nang patulan ang mga parinig ni Sharon

PIK: Nagulat si Bryan Revilla nang tinanong sa kanya sa nakaraang presscon niya ng pelikula nilang Tres ang tungkol sa kanila ni Yassi Pressman.

Hindi niya akalaing inili-link siya kay Yassi.

Sa pagkakaalala niya lumabas daw sila minsan ni Yassi, pero marami raw sila. May mga common friend kasi sila, kaya wala raw pagkaka-link.

Isa nga raw si Yassi sa pinagpipiliang i-partner kay Bryan, pero hindi naman magkatugma sa schedule.

Lalong dumami nga ang nagkainteres kay Bryan dahil sa pagkaka-link sa kanya ng ilang celebrities kagaya ni Yassi.

Ang  girlfriend pala ni Derek Ramsay na si Joanne Villa­blanca ay ex-girlfriend din ni Bryan.

PAK: Kamanghang-mangha raw ang M Butterfly na stageplay ni RS Francisco na nagpa-press preview kamakalawa ng gabi.

Magarbo raw ang kabuuan ng stageplay na kitang-kitang talagang ginastusan nang husto.

Sabi nga raw ni RS, sa costume pa lang niya na likha ni Eric Pineda, umabot na raw ng isang milyon. Pati sa wigs lang niya ay gumastos daw ng 300 thousand pesos.

Matindi ang production cost na ginastusan ng Frontrow ni RS Francisco. Tapos ang kikitain daw nito ay mapupunta sa charity. So, willing na gumastos nang malaki ang Frontrow para sa charity.

Ako ang nalulula sa malaking perang inilabas dito ni RS Francisco. Kaya parang nakakatakot na gumagastos ang Frontrow ng ganun kalaki, alang-alang sa charity.

Pambawi nga ba ito sa malaki namang kinikita ng Frontrow ng actor/businessman? Pero nakakatakot pa rin sa totoo lang!

BOOM: Kahapon na ang last shooting day ng pelikulang Man and Wife ang bagong title ng pelikula ng Cineko Productions na Gulong ng Palad na dinirek ni direk Laurice Guillen.

Nabigyan kami ng pagkakataong madalaw ang set nito sa Alabang para makatsikahan ang mga bidang artistang sina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria. Kaya lang biglang umuwi naman si Jodi dahil hindi pa raw siya kukunan. Pero obvious na iniwasan ng Kapamilya actress ang isyu kay Vice Governor Jolo Revilla.

Kahit nasabihan na kaming walang tanong tungkol kay Jolo, wala naman siya roon na obviously, umiwas na lang siyang magpa-interview.

Si Gabby Concepcion ang masayang nakipag­tsikahan sa amin, pero iniwasan din niya ang tanong tungkol kay Sharon Cuneta.

Hiningan siya ng mensahe tungkol sa pag-celebrate ng Megastar ng kanyang 40th anniversary sa showbiz, iba ang sagot ng aktor.

“Pag-usapan natin itong pelikula namin ni Jodi. Kawawa naman kami dahil wala pang publicity. Bigyan naman natin ng pansin to. First time namin ni Jodi eh, para naka-concentrate tayo dun,” nakangiting sagot ni Gabby.

Sinundan namin ng tanong kung magi-guest ba siya sa concert ni Sharon sa September 28, wala raw siya rito. Meron pala siyang concert series sa Canada mula September 24.

Pero kapag tungkol sa mga anak niya, masaya namang nagkuwento ang aktor tungkol sa lovelife ni KC Concepcion.

“Parang in love yata yung anak ko. Iyun ang nakikita ko sa Instagram,” pakli ni Gabby.

Hindi pa raw sila nagkaroon ng chance na mag-usap, pero kung ano man daw ang desisyon ng kanyang anak, nandun ang suporta niya.

M BUTTERFLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with