^

PSN Showbiz

Coco walang date sa ABS-CBN ball

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco  walang date sa ABS-CBN ball
Coco

Napapabalitang maggi-guest si Coco Martin sa Eat Bulaga sa nalalapit na Kapaskuhan para mag-promote ng pelikulang Jak Em Popoy: The Puliscredibles. Kasamang magbibida ng aktor sa nasabing proyekto sina Vic Sotto at Maine Mendoza at isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

“Sabi nga nila sa Eat Bulaga, talagang pamilya, nakakatuwa. Kasi talagang winelcome nila ako. Ngayon naman nakakatuwa kasi open na eh. Makikita naman natin ang mga taga-GMA nag-shoot ng pelikula sa Star Cinema, gumagawa ng pelikula. Ang gusto lang natin ay magtulu­ngan tayo sa industriya. Kung paano pa tayo makakagawa ng maganda pang pelikula,” nakangiting pahayag ni Coco.

Samantala, nakatakdang dumalo ng aktor sa ABS-CBN Ball sa September 29. Ayon kay Coco ay mag-isa lamang siyang darating sa nasabing event. “Wala, ako lang. Si­yempre nandiyan kami para sumuporta talaga. Siyempre first time na mangyayari ‘to na halos lahat ng mga artista nandoon eh,” giit ng aktor.

Daniel at Kathryn, naghahanap ng pagbabakasyonang isla

May bulung-bulungan na posibleng sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tanghaling Box-office King and Queen ngayong taon dahil tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang The Hows Of Us.

Ayon kay Daniel ay hindi pa naman sumasagi sa kanilang isipan ni Kathryn ang tungkol dito. “Hindi pa namin iniisip ‘yon. Hindi naman namin iniisip ‘yung mga gano’n. Proud lang kami and very happy sa kinalabasan ng pelikula. Si Direk Cathy (Garcia-Molina) ang bigyan natin ng box-office queen. Lalo na lang tayo ma-excite sa mga susunod niyang gagawin,” natatawang pahayag ni Daniel.

Kapag natapos na ang mga trabaho para sa nasabing pelikula ay magkasamang magbabakasyon ang magkasintahan. Napag-uusapang sa Amanpulo umano planong pumunta nina Daniel at Kathryn. “Hindi, mahal do’n, ubos pera mo do’n. Hindi ko pa alam kung saan. Wala pa rin kaming maisip, parang ang hirap. Pero ‘yung Kalanggaman island parang gusto naming i-spot-an ‘yon. Nagtatrabaho pa rin kami para sa pelikula so siguro after that. We all love the beach so do’n muna para makapahinga,” pagtatapat ni Daniel.

Samantala, masayang-masaya ang binata para sa negosyong nail spa na pagmamay-ari ni Kathryn. Pormal nang binuksan ang ika-limang branch ng Kathnails kamakailan. “I’m very proud and siyempre masaya dahil alam natin na ‘yung mga earnings niya ay napupunta sa tamang lugar at nagagamit ng tama kaya nandiyan din si Tita Min (Bernardo, ina ni Kathryn), who is a very good businesswoman and the family to guide Kathryn. Well, sino bang hindi magiging masaya? Pang-limang branch na and talaga namang branches ng Kathnails ay very successful. So thank God,” pagtatapos ni Daniel.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with