_ngayon
^

PSN Showbiz

Alden ginawang adviser ni Janine sa problema sa bashers

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden ginawang adviser ni Janine  sa problema sa bashers
Janine

Coco nag-enjoy nang makasama ang mga taga-Bulaga

PIK: Hindi ko alam kung totoo o ayaw na lang palakihin pa ni Jenine Desiderio ang isyu nila ng anak niyang si Janella Salvador.

Na-korner namin siya sa celebrity premiere ng pelikulang The Hopeful Romantic, at natanong tungkol sa role niya sa naturang pelikula na kung saan siya ang nagbibigay ng bonggang payo kay Ritz Azul tungkol sa pag-ibig at sa buhay.

Sabi ni Jenine, hindi raw siya naka-relate sa role niyang iyun dahil bagsak daw siya pagdating sa lovelife. Kaya nga hanggang ngayon ay single pa rin daw siya.

“I’m proud to say that I’m just a devoted mom,” nakangiti niyang pahayag.

Kaya bilang ina, okay na ba sila ni Janella? Tapos na ba ang isyu nilang mag-ina?
“Okay naman kami. Okay na yun,” tipid niyang sagot sa amin. Hanggang dun lang daw ang puwede niyang sabihin.

PAK: Maingat si Janine Gutierrez sa mga sagot niya kapag tungkol sa mga basher ang pag-uusapan.

Sa story conference ng bagong pelikula niya sa Regal kamakalawa lang, tinanong namin si Janine tungkol sa pag-deactivate ng Twitter account niya.

Obviously, apektado siya sa mga bashing na ibinabato sa kanya. Sabi lang ni Janine; “Pahinga na lang siguro muna kasi baka maniwala na ako sa sinasabi ng ibang tao. Kaya, ibabalik ko na lang kapag…inaayos ko naman po talaga eh.

“Gusto ko rin po kasi talagang mag-ayos ng social media dahil meron po akong hinahanda na website. So, siguro sabay sabay ko na lang ulit siya ibabalik.”

Mabuti at napakabait daw ni Alden Richards sa kanya na nagpapayong huwag na lang pansinin ang mga natatanggap na bashing. Kaya ang gaan-gaan lang daw sa taping, dahil kasundo raw silang lahat ng bida ng Victor Magtanggol mula sa mga co-star hanggang sa mga production staff.

Thankful din si Janine dahil sa sunud-sunod na taping niya sa Victor Magtanggol, naisingit na raw sa schedule niya ang gagawin niyang pelikula sa Regal, ang Elise na kung saan makaka-partner niya si Enchong Dee at ididirek ni Joel Ferrer na siya ring nagsulat ng script.

BOOM: Safe ang sagot ni Maine Mendoza sa tanong sa kanya kung posible kayang mag-guest siya sa Ang Probinsyano bilang bahagi ng promo ng pelikula nila ni Coco Martin, ang Jack Em Popoy, Da Puliscredibles kasama si Vic Sotto.

“Tingnan natin, kung papayagan po, bakit hindi?”  sabi Maine.

Ngiting-ngiti si Coco na sinabi niyang kung matutuloy si Maine, okay din daw na tumawid siya sa Eat Bulaga.

Pero tiyak na mag-react ang buong Aldub nation kung mangyari iyun, dahil katapat nito siyempre ang Victor Magtanggol ni Alden.

Hindi naman siguro gagawin ni Maine ‘yun kay Alden, kahit kailangan nilang mag-promote.

Sobrang saya naman daw kasi nila sa set ng pelikula nila na sabi nga ni Coco, pawang kalokohan lang daw ang ginagawa nila.

May eksena nga si Coco sa pelikula na kung saan nagamit ang mga host ng Eat Bulaga, at nag-enjoy daw siya nang husto.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with