^

PSN Showbiz

Pepe at Ritz inalagaan sa kanilang sex comedy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pepe at Ritz inalagaan sa kanilang sex comedy!
Ritz

Nagbabakasyon sa Canada si Mother Lily Monteverde kaya wala siya sa celebrity premiere ng The Hopeful Romantic sa Cinema 5 ng TriNoma noong Lunes nang gabi.

Sayang dahil hindi na-witness ni Mother Lily ang malakas na tawanan at palakpakan sa loob ng sinehan dahil aliw na aliw ang mga invited guest sa mga eksena ng pelikula.

Ang The Hopeful Romantic ang tipo ng sex comedy movie na panonoorin ng mga tao, kesehodang nakaamba si Super Typhoon Ompong.

Sina Pepe Herrera at Ritz Azul ang stars ng The Hopeful Romantic na ngayon ang opening day sa cinemas nationwide.

Sobrang glossy ng pelikula na mula sa direksyon ni Topel Lee dahil bongga ang mga ginamit na location, ang Manila Hotel, Ayala Malls at isang magandang bahay sa Casa Milan.

Shocked ang audience dahil kinunan ang halos lahat ng mga eksena ng The Hopeful Romantic sa Manila Hotel na napakaganda kaya parang type nila na mag-check in sa nasabing hotel.

Inalagaan din na mabuti ng production staff sina Ritz at Pepe dahil sa mga damit na ipinagamit sa kanila. Raving din ang moviegoers sa cinematography ng pelikula.

Pinilahan sa takilya at certified hit ang mga local movie na Sid & Aya, BuyBust, Miss Granny, The Hows of Us at Goyo: Ang Batang Heneral dahil sa word of mouth na worth-watching ang mga nabanggit na pelikula at ganito rin ang inaasahan na magiging kapalaran ng The Hopeful Romantic dahil nag-enjoy sa panonood ang mga dumalo sa celebrity premiere.

May mga nagkokomento na nga na tiyak na mabibigyan sina Pepe at Ritz ng follow-up project dahil sa positive reviews sa unang pelikula nila sa Regal Entertainment Inc.

Bryan mabilis nakumbinsi ni Bong

Eleven years ago pa nang huling umapir si Bryan Revilla sa pelikula at sa isang primetime teleserye ng GMA 7 kaya normal lang na nanibago siya nang gawin niya ang Virgo episode ng Tres, ang hardcore action movie ng Imus Productions sa mapapanood sa mga sinehan sa October 3.

Virgo ang name ng karakter ni Bryan sa Virgo at PDEA agent ang role niya.

Marami nang pagbabago sa paggawa ng pelikula mula pa noong 2007 pero mabilis na nakapag-adjust si Bryan bilang nananalaytay sa dugo niya ang pagiging aktor dahil parehong mga artista ang kanyang mga magulang na sina Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado.

Nang pumayag si Bryan na umarte uli sa harap ng kamera, nag-usap sila na mabuti ni Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Nakumbinsi ni Bong si Bryan na muling mag-artista dahil maganda ang project.

Naniniwala kasi si Bong na panahon na uli ngayon ng mga action movie dahil sa box office success ng BuyBust at ang patuloy na pamamayagpag sa TV ng Ang Probinsyano.

Agree si Bryan sa pananaw ng tatay niya at bilib din siya kay Coco Martin dahil sa pagtulong nito sa mga veteran actor na nangangailangan ng exposure at ng source of income.

Nang tanggapin niya ang hamon ng kanyang ama na gawin ang Tres, nagpapayat si Bryan at pinaghandaan ang mga action scene ng pelikula.

Sinunod ni Bryan ang madalas na sabihin ni Bong na obligasyon ng mga artista na “to look good” para sa mga tagahanga nila. Ito ang reason kaya physically fit si Bryan sa mga eksena niya sa Virgo.

vuukle comment

RITZ AZUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with