Pepe
Pepe pumalag nang hubaran ni Ritz ng brief
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2018 - 12:00am

PIK: Na-impress ang movie press kung paano sumagot si Bryan Revilla sa mga tanong sa kanya sa solo presscon nito para sa pelikula nilang Tres na magsu-showing sa October 3.

Mahigit 10 years ding nawala sa showbiz si Bryan dahil abala siya sa negosyo ng pamilya at sa ibang proyekto ni Mayor Lani Mercado sa Bacoor.

Nagdalawang-isip nga raw siya na gawin yung pelikula dahil nandiyan pa rin daw sa kanya ang pagiging mahiyain.

Pero maganda ang material ng Virgo na isa sa tatlong epidose ng Tres na ginawa na ngang buong pelikula ni direk Richard Somes.

Pag nagkaroon daw kasi ng pagkakataon, baka gumawa sila ng buong film na puwedeng i-release sa digital o kaya sa mga international filmfest.

Sa trailer pa lang ay marami na ang nakapansin sa mas intense na acting ni Bryan. Kaya hindi malayong pagkumparahin silang magkakapatid.

Noon pa man ay napatunayan na ng panganay na anak nina Sen. Bong at Mayor Lani na magaling siyang umarte.

PAK: Hindi napigilan ni Pepe Herrera na maluha pagkatapos ng screening ng pelikula niyang The Hopeful Romantic ng Regal Films na magsu-showing na ngayong araw.

Nagkaroon kasi ng celebrity premiere kamakalawa ng gabi na ginanap sa Cinema 5 ng Trinoma Cinema, na karamihan sa mga dumalo ay mga close friends ng aktor. Ilan rito ay sina Alessandra de Rossi, Paolo Paraiso, Ahron Villena, Kakai Bautista, Jason Gainza at Aaron Villaflor.

Maganda ang feedback sa pelikula at doon mo talaga nakitaan ng galing ni Pepe sa pagpapatawa.

Thankful siya kay direk Topel Lee, pati kay Roselle Monteverde ng Regal dahil welcome raw sa kanila ang mga suggestion para maging katawa-tawa ang pelikula.

May chemistry din sila ni Ritz Azul na pinuri rin ang galing niya sa pelikulang iyun.

Kuwela sa pelikula  ang love scene nilang dalawa, lalo nang tumambad kay Ritz ang nakakasilaw na harapan ni Pepe.

Bentang-benta naman kasi sa pelikulang iyun ang kaseksihan ni Ritz, at hindi rin nagpahuli si Pepe sa hubaran.

Abangan n’yo ‘yung eksenang hinubad na ni Ritz ang underwear ni Pepe. Sabi nga ng aktor, okay lang daw sa kanya ang hubaran, kung talagang kailangan sa istorya. Pero may limitations pa rin.

“Siyempre, wala lang pakitaan ng bayag! Deretsahan na di ba?” bulalas ni Pepe.

Sinundan namin ng tanong kung bayag lang ba ang hindi puwede. Paano ang isa pang bahagi ng katawan na malapit sa bayag?

“Siyempre hindi puwede, package na ‘yun pati ang bayag!” mabilis niyang sagot.

BOOM: Na-blind item na natuloy daw ang love scene ng dalawang aktor sa isang pelikulang ginagawa.

Ang tinutukoy pala ay sina Martin del Rosario at Kiko Matos sa Born Beautiful na gagawin na raw pelikula mula sa TV series.

Ang tsismis daw, sobrang mainit ang love scene ng dalawa na kung saan isang ma­gandang transgender ang gina­gam­pa­nan ni Martin.

Sobrang nadala raw sila sa eksena na itinuloy na raw pagkatapos ng shooting.

Parang promong-promo nga ang kuwentong iyun dahil isa-submit yata nila ito sa Metro Manila Film Festival na sa September 21 na pala ang deadline.

Natawa na lang si Kiko sa intrigang ‘yan. Kahit nga ang girlfriend niya natawa rin nang pagka-link sa kanya kay Martin.

“At least, hindi raw ako nambabae,” natatawang pahayag ni Kiko sa opening ng TOFARM Film Festival na magbubukas na rin ngayong araw sa ilang sinehan.

“Natutuwa rin ako na may mga ganyan. Ako, produkto ako ng bashers, eh. During that time kasi, alam kong social experiment ang ginagawa ko. So, hindi ako nag-react,” dagdag niyang pahayag.

Pero posible kayang madarang siya sa mainit na love scene nila ni Martin?

“Definitely, hindi kami talo eh!” nakangiti niyang sagot.

Tampok si Kiko sa dalawang entry ng TOFARM na Alimuon at Mga Anak ng Kamote.

RITZ AZUL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with