Boy Abunda at Alden target ng miguard...
(Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang King of Talk pala na si Tito Boy Abunda ang napipisil na mag-endorse ng MiGuard Security Alarm System, ang sinasabing totoong ‘bantay’ ng bayan.

Naniniwala ang mga taong nasa likod ng bonggang techno­logy sa kredibilidad at magandang image ng  batikang tv host at PSN columnist din.

Actually, aside from Tito Boy parang bagay din ang nasabing alarm system kay Alden Richards bilang isa nga siyang super hero sa Victor Magtanggol.

Maganda ang MiGuard Security Alarm ha nang makinig kami sa press launching nito recently. Kailangan ito sa bahay ng mga artistang madalas targetin ng mga magnanakaw.

Wala na kasing maitutu­ring na ligtas na lugar sapagkat ilan sa mga krimen ay nangyayari mismo sa loob ng tahanan.

Batay sa datos na inilabas ng PNP, halos 1,040, 987 ang naitalang krimen mula noong taong 2016 hanggang 2018. Yup habang 19, 210 ang pinatay sa panahong ito at mahigit sa 50,000 kaso diumano naman ng pagnanakaw ang naitala ng PNP.

Ayon naman sa Center for Women’s Resources, isang babae o bata ang kalunos-lunos na nagiging biktima ng panggagahasa kada oras sa ating bansa.

Kaya naisip ng Green Energy ang MiGuard Security Alarm System.

Kasama sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang mga sumusunod na aparato:  Pan &Tilt HD IP Camera, Motion Detector, Door Sensor, SOS Button, Medical Button, Gas Detector, Water Leak Detector, Smoke Detector at Remote Controls.

“Hindi lamang mga mahal ninyo sa bahay ang gusto naming proteksyunan, ma­ging ang inyong tahanan na inuuwian ay dapat ding ingatan,” sabi ni MiGuard President Manuel Siquian Jr.

Bukod daw kasi sa alarm system pag may mga nagtangkang magnakaw sa inyong mga bahay, meron din silang may medical button para sa mga naiiwang matatanda. Meron din silang command center 24/7 na naka-alarm sa PNP, Bureau of Fire and Protection and government hospitals.

For inquiries please call 717-9806 o bumisita lamang sa kanilang website sa www.miguard.net.

MIGUARD SECURITY ALARM SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with