Liza Diño
Aktor hina-hunting ng mga inutangan para maka-droga!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2018 - 12:00am

PIK: Na-appreciate nang husto ng FDCP Chairperson Liza Diño ang tulong na gustong ipaabot ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa ating film industry.

Nagpahayag si Gov. Imee ng tulong sa susunod na Pista ng Pelikulang Pilipino at pati ang paghikayat sa mga local film producer  pati sa ibang bansa na mag-shoot dito sa atin, lalo na sa lugar niya sa Ilocos.

Bahagi ng kuwento ng FDCP Chair Liza Dino; “Isa siya sa pinakaunang LGU na nag-set ng mga discount pag mag-shoot doon sa Ilocos.

“Right now, it’s an ongoing partnership na gusto namin magawa with other LGUs kasi pini-present namin sa kanila kung gaano kaimportante na makita nila ito as an opportunity, kaya ma-activate ‘yung region nila eh.”

Magandang income genera­ting din daw ito sa mga lalawigang gagamitin sa shooting.

“Kumbaga, mag-offer sila ng incentive, puwede naming i-offer sa ibang bansa, dederetso sa city nila.

“It’s job generation. Imagine mo pag may ganung klaseng pelikulang nagsu-shoot diyan, mag-uusbungan ang mga production companies, magkakaroon ng filmworkers, ma-activate yung mga actors diyan, mga directors o mga technical crew. Kasi siyempre hindi na sila kailangang maghanap sa Manila.

“That’s why we’re happy with her initiative kasi nakikita niya how film industry or film tourism can help,” dagdag na pahayag ni Liza.

PAK: Suko na ang mga kapatid nitong aktor na nagsimulang mag-artista nung bata pa siya.

Matagal-tagal na ring hindi siya napapanood ngayon dahil sa bisyo nitong pagdo-droga.

Nagtatago na raw ito sa mga taong naloko niya para kumita lang  ng pambili ng droga. Kaya naghahanap na raw ang mga kapatid niya ng maayos na lugar para siya ipa-rehab.

Sayang din kasi ang aktor na ito dahil maga­ling pa naman siya, at ang dami pa ngang nagnanasa sa kanya noon.

Para lang mapagaling siya, tiyak namang willing tumulong ang mga kilalang artistang nakatrabaho niya.

BOOM: Kung sobrang happy si Cong. Alfred Vargas na magkakaroon na sila ng baby boy ni Yasmine, excitement din ang nararamdaman ngayon ng magkasintahang Paolo Contis at LJ Reyes dahil nung huling check-up nila, nalaman na kung ano ang gender ng kanilang magiging baby.

Pero hindi ibinigay sa kanila ang resulta, kundi sa ate ni LJ dahil may inaayos ang ate nito na gender reveal party at doon na rin malalaman nina Paolo at LJ kung ano ang kasarian ng magiging baby nila.

“Ang hirap nga kasi kailangan pa namin maghintay ng one week. Pero siyempre, it’s worth the wait,” pakli ni Paolo nang nakapanayam namin sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Sabi pa ng Kapuso actor; “Nung check up namin the other day, nakita namin si baby healthy.

“Kumpleto lahat, iyun naman ang concern namin eh. We’re happy to say na very healthy siya.

“Pero sa ngayon ay suhi daw ang posisyon ng baby, pero iikot naman yun.”

Kung magkakaroon ng chance, balak din sana ni Paolo na kausapin ang dalawang anak niyang babae kay Lian Paz para sabihin niya nang maayos na magkakaroon na rin sila ng dagdag na kapatid.

“Siyempre gusto ko alam nila eh. Gusto ko mapag-usapan namin nang maayos,” saad ni Paolo.

LIZA DIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with