^

PSN Showbiz

Inigo, hindi inakalang magiging emosyonal sa may leukemia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, hindi inakalang  magiging emosyonal  sa may leukemia
Iñigo

Kamakailan ay isang labinglimang taong gulang na tagahanga ni Inigo Pascual na mayroong leukemia ang binisita ng aktor sa ospital. Naging emosyonal si Arnie Espina noong mga oras na nakita at nakausap ang aktor. “Parang this gave me a sense of purpose why you are doing, what you are doing,” bungad ni Inigo.

Hindi inakala ng binata na magkakaroon ng ibang kahulugan ang kanta niyang Dahil Sa ‘Yo dahil sa kalagayan ng kanyang tagahangang may sakit. “When we sang together ‘yung Dahil Sa ‘Yo, the song kind of a different meaning. Di ko inisip na gano’n ‘yung meaning niya dati. This is why I love to do music,” giit ni Inigo.

Hinding-hindi umano makakalimutan ng aktor ang karanasang ito lalo pa’t may napapasaya siyang mga tao katulad ni Arnie. “Sometimes it’s good to see them in person. The people that you are able to have an effect on. Kasi di mo naisip minsan na gano’n ang effect mo sa ibang tao. You were able to make them feel positive,” pagtatapos niya.

Vina, make up artist na rin

Iba-ibang reaksyon ang natatanggap ni Vina Morales mula sa mga nanonood ng teleseryeng Araw Gabi.

Ginagampanan ng aktres ang karakter ni Celestina na isang kontrabida sa serye. “Sabi nila, ‘I hate you Celestina, I love you Vina.’ Before affected sila no’ng una akong nagkontrabida, pero dahil kilala naman nila akong hindi gano’n, wala naman. Tagal na nila akong napapanood,” nakangiting kwento ni Vina.

Samantala, bukod sa pag-arte at pagkanta ay aba­la rin ang aktres sa kanyang negosyo. Dalawampung taon na ngayon ang Ystilo Salon na pagmamay-ari ng magkakapatid na Sheila, Sheryl, Sharon (totoong pangalan ni Vina) at Shaina Magdayao na marami ng mga sangay sa buong bansa.

Malaki ang pasasalamat ni Vina dahil sa loob ng dalawang dekada ay wala silang kinaharap na malaking problema sa negosyo. “Thank God walang mga malaking problema. Of course lahat naman ng business mayroong mga problema or mga pinagdaanan and thankful kami na hindi umaabot sa mga big issues when it comes to services. ‘Pag mayroong maliliit na problems naaayos kaagad,” pahayag ni Vina.

Minsan ay ang mismong aktres daw ang nagbibigay ng serbisyo sa mga kliyente sa salon. “Yes, marunong talaga ako. Ako I do my own make-up. Minsan nandito (salon) ako tapos may client kami, nire-retouch ko, natutuwa naman sila. Pero gumagawa talaga ako. I do my own hair, I do my own make-up, marunong din akong maggupit. Hindi ako nag-aral, I think natutunan ko na. si Ate Sheila ang marunong talaga,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with