_ngayon
^

PSN Showbiz

Daily program nakipag-negotiate sa isang babaeng pinag-iilusyunan ng karamihan!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isang malakas na tawa lang ang sagot sa akin ni Jean Garcia nang sinabi ko sa kanya na siguro ang mahal ng binayad sa kanya ng Star Cine­ma para tanggapin ang role na ina ni Kathryn Bernardo sa The Hows of Us.

“Hindi, dahil kay direk Cathy (Garcia-Molina) ‘yun,” natatawa niyang sagot sa amin.

Hindi raw niya matanggihan si direk Cathy dahil gusto naman daw niyang makatrabaho talaga ang magaling na direktor.

Buong-buo nga ang tiwala niya kay direk Cathy, dahil pumupunta raw siya sa set na walang script.

“Yung Pagdating na lang dun, dun mo na lang makikita kung ano ‘yung mga eksena. Ganun si direk Cathy. So, it’s really exciting. ‘Yung sa akin parang tiwala na lang. Siyempre yung character ko sinabi kung ano, pero walang script. Walang hard copy na script. Makukuha mo na lang yung script per shooting day,” pakli ni Jean.

Pero itong bagong drama series niya sa GMA 7 na Ika-5 Utos ay bongga raw talaga ang script.

“Alam mo proud talaga ako dito sa Ika-5 Utos kasi nung binasa ko yung script, hindi ko na binitiwan.

“Maganda talaga. Saka ano siya, fair sa mga bata, fair dun sa mga senior actors. Walang itatapon. Walang hindi importanteng character. Iyun ang maganda dito sa Ika-5 Utos.

“Well-distributed siya, na lahat na characters may laman,” proud na pahayag ni Jean.

Ngayong araw na magsisimula itong Ika-5 Utos pagkatapos ng Eat Bulaga.

PAK: Totoo kayang may idadagdag sa pamilya ng mga host sa isang programang araw-araw na napapanood?

Hindi siya artista pero napakaganda niya na type na type ng karamihang mga actors na nakakilala sa kanya.

Meron ngang isang young actor na sobrang nabig­hani sa ganda nitong girl. Kaya tiyak na pag-usapan siya, lalo na’t maganda ang konsepto ng segment na hahawakan niya. Iyun daw ang matinding pambulaga ng programang ito.

Nasa pag-uusap pa sila, at kung magkasundo sa talent fee at ilang detalye, ilu-launch na isa sa mga araw na ito.

BOOM: Super successful ang Take Fl16ht concert ni Kyline Alcantara na ginanap sa SM Skydome kamakalawa ng gabi.

Sold-out ang tickets at nataranta nga ang mga nag-aasikaso kay Kyline dahil hindi na nabigyan ng upuan ang ibang bumili ng mamahaling tickets.

Hindi yata akalain ng GMA Records na mabebenta ang lahat na tickets na sobra pala sa mga seat ng venue. Hiyang-hiya nga raw sila kay Cong, Alfred Vargas na bumili ng maraming platinum tickets, dahil hindi nakaupo ang ibang huling dumating.

Thankful naman si Kyline sa lahat na suporta ng buong production staff ng Kambal Karibal na dumating sa naturang concert.

Pati nga si Marian Rivera ay nagpadala ng bulaklak kay Kyline bilang suporta na rin sa kanyang concert.

Mainit din ang pagtanggap ng mga Sunflower fans ni Kyline sa mga special guest nito na sina Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, James Wright, Jeric Gonzales at Migo Adecer.

Hindi na dumating ang ilang kasamahan ni Kyline sa Kambal Karibal kagaya nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

KYLINE ALCANTARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with