^

PSN Showbiz

Misis ni Ka Tunying tinalbugan ang mga kasabayan sa Starstruck!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Misis ni Ka Tunying  tinalbugan ang mga kasabayan sa Starstruck!

Big success ang Limitless; Empowered Women, Empower Women, ang 12th anniversary concert ng Outbox Media Po­werhouse Corporation na ginanap noong Sabado, September 7, sa Metrotent Convention Center sa Pasig City. Hindi ko makakalimutan ang Limitless dahil nadapa ako nang mag-attend ako sa presscon ng concert sa Cornerstone office sa Mother Ignacia St.,Quezon City.

Si Rossel Velasco-Taberna ang managing director ng Outbox Media Powerhouse at kilala rin siya bilang loving and very supportive wife ni Anthony “Ka Tunying” Taberna.

Jampacked ang Limitless at talagang tiniyak ni Rossel na magugustuhan ng concertgoers ang show nina Angeline Quinto, Jayda Avanzado, Radha, Kyla at Liezel Garcia na mga talent ng Cornerstone Entertainment.

May special participation sina Zoey at Helga Taberna, ang mga talented young singer na anak nina Rossel at Ka Tunying.

Proud na proud ang Taberna couple habang pinapanood nila na kumakanta ang confident bagets na sanay na sanay nang mag-perform sa harap ng mga tao.

Si Helga ang front act ng concert at may duet naman sina Zoey at Jayda. Kinanta ng dalawa ang Reflection, ang theme song ng Disney movie na Mulan. Hindi nagpakabog si Zoey kay Jayda dahil nakipagsabayan siya sa pagbirit.

Nasa dugo nina Zoey at Helga ang pag-aartista dahil aspiring singer at actress ang madir nila noong teenager pa ito.

Nag-join noon si Rossel sa Season 4 ng Starstruck, ang reality-based artista search ng GMA 7. Mga batchmate ni Rossel sa Starstruck IV sina Kris Bernal, Aljur Abrenica at Paulo Avelino.

Hindi pinalad si Rossel na mag-win sa Starstruck pero wagi naman siya sa puso ni Ka Tunying. Hindi natupad ang dream niya na maging artista pero mas bongga ang nangyari sa kanya, producer siya ng mga concert at owner ng branches ng Ka Tunying.

Bukod sa mga matatapang at matatalino na opinyon ni Ka Tunying sa current events, marunong din siya na kumanta pero obvious na minana mula kay Rossel ng kanilang mga anak ang pagiging performer kaya hindi surprising kung balang-araw, pumasok sa showbiz sina Zoey at Helga.

Jason niligwak dahil kay Rayver?!

Asking ang fans kung kasali pa rin ba si Jason Abalos sa cast ng Mag-asawa, Magkaribal dahil ito na ang unang project ni Rayver Cruz bilang bagong Kapuso star.

Ang alam ng lahat, si Jason ang co-stars nina Kris Bernal at Thea Tolentino sa upco­ming afternoon primetime show ng GMA 7 pero sa contract signing ni Rayver, sinabi nito na ang Mag-asawa, Magkaribal ang programa na pagbibidahan niya sa bakuran ng Kapuso Network.

Nagtatanong ngayon ang fans sa nangyari sa karakter na gagampanan ni Jason dahil parang si Rayver ang ipinalit sa kanya bilang lead actor ng Mag-asawa, Magkaribal.

vuukle comment

ANTHONY “KA TUNYING” TABERNA.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with