^

PSN Showbiz

Nathalie nakasuwerte sa fiancé

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nathalie nakasuwerte sa fiancé
Nathalie

Noong July ay inamin ni Nathalie Hart sa publiko na nagdadalang-tao siya. Isang Indian ang kasintahan ng sexy actress at nakatakdang magpakasal ang dalawa sa December. Masayang-masaya si Nathalie dahil sa sunud-sunod na biyaya na kan­yang natatanggap sa ngayon. Magbibida ang aktres sa pelikulang Abay Babes na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 19.

“I get so emotional. Parang nagkasabay-sabay lahat and then I’m working too. Parang it’s just hard. I’m just overwhelmed. I’m happy but it’s just like pwede bang isa-isa lang muna? Ang nangyari kasi parang nagka­sabay-sabay,” emosyonal na pahayag ni Nathalie.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres dahil sa suportang ibinibigay sa kanya ng pamilya at ng fiancé. “I’m happy kasi I have a great guy with me. He’s so good and very positive. He supports me in everything. So doon pa lang suwerte na ako,” pagbabahagi ni Nathalie.

Anim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ng aktres at nakatakdang iwan muna ang show business pagkatapos nitong manganak.

Saab hirap pagsabay-sabayin ang trabaho, banda at anak

Balik trabaho na si Saab Magalona pagkatapos manganak ilang buwan na ang nakalilipas. Isa si Saab sa magiging host ng Coke Studio Season 2 na mapapanood na sa Kapamilya network simula sa susunod na Linggo.

“I feel so awesome because I was part of the first season launch lang. Nag-launch kami ng season one and I hosted the launch but there was really no host for the first season. So for season two I’m just so happy I guess they were happy with my performance. So they got me to host for season 2 and that means so much to me,” nakangiting pahayag ni Saab.

Bukod sa pagho-host ay aktibo rin sa bandang The Cheats si Saab. “We have gigs lined up as usual and we’re working on our third album. So it’s been really fun,” pagbabahagi ni Saab.

Bilang baguhang ina ay naninibago pa raw ngayon na pagsabayin  ng TV host ang trabaho at pagkakaroon ng anak. “I guess right now kasi baby pa ‘yung baby ko. I have earlier call times lang because I want to be home with my baby. I’m very clingy. This is actually my first time to be away from him for so long. Right now I’m focusing on hosting and also just being a mom and the band,” kwento ni Saab.

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with