^

PSN Showbiz

Nathalie hindi pa alam kung sa India o Australia ikakasal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nathalie hindi pa alam kung sa India  o Australia ikakasal!
Nathalie

Bongga si Nathalie Hart dahil kahit malaki na ang tiyan niya, nag-attend pa rin siya sa presscon kahapon ng Abay Babes, ang unang movie project niya sa Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa September 19.

Blooming ang beauty ni Nathalie kaya hindi maitatanggi na baby girl ang ipinagbubuntis niya.

Inulit ni Nathalie sa presscon ng Abay Babes ang civil wedding sa December 2018 na pinaplano nila ng kanyang Indian boyfriend.

May balak din sila na magkaroon ng big wedding sa 2019 pero pinagtatalunan pa nila kung sa Australia o sa India ang venue.

Kung si Nathalie ang masusunod, type niya na mangyari sa India ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang future husband para maka-experience siya ng exotic wedding.

Pero umaapela ang Indian fiancée ni Nathalie dahil gusto nito na mangyari sa Australia ang pagpapakasal nila. Half-Filipino half-Australian si Nathalie.

Roxanne sumusumpang single pa rin

Sumusumpa si Roxanne Barcelo na single pa rin siya at wala pang replacement sa puso niya ang kanyang ex-dyowa na si Will Devaughn.

Mag-iisang taon nang hiwalay sina Roxanne at Will pero malabo nang magkaroon ng sequel ang love affair nila.

Hindi naman nagmamadali si Roxanne dahil naniniwala ito na darating ang araw na makikilala niya ang mhin na karapat-dapat para sa kanya.

Anyway, deglamorized ang karakter ni Roxanne sa Abay Babes dahil pinapangit ang hitsura niya. Bumilib ang director na si Don Cuaresma kay Ro­xanne dahil bukod sa magaling na dramatic actress, magaling din siya na comedienne.

Ang girls lang ng Abay Babes ang dumalo sa grand presscon kahapon pero may leading men din sila.

Kasali sa cast ng Abay Babes sina Marco Gumabao, Ronnie Liang, Tom Rodriguez at Mark Bautista.

Matapos matalo sa Miss Earth anak ni Gabby susubok naman sa Miss Universe!

Ayaw paawat ni Cloie Syquia, ang anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia dahil contestant na naman siya sa Miss Universe Sweden.

Two years ago, nag-join si Cloie sa Miss Universe Sweden pero Miss Earth Sweden ang beauty title na napanalunan niya.

Umuwi ng Pilipinas si Cloie noong 2016 dahil siya ang official representative ng Sweden sa Miss Earth na ginanap sa Mall of Asia Arena noong October.

Luhaan si Cloie dahil hindi siya pinalad na makabilang sa Top 4 candidates ng Miss Earth 2016 pero hindi ito naging hadlang para subukan niya uli ang kapalaran sa beauty pageant.

Ang maging official delegate ng Sweden sa Miss Universe 2018 na idaraos sa Bangkok, Thailand sa December 17 ang pangarap ni Cloie kaya sumali uli siya sa Miss Universe Sweden.

Naging inspirasyon yata ni Cloie si Catriona Gray na unang nag-participate sa Miss World Philippines  noong 2016, napanalunan ang title at nakuha ang karapatan na maging official candidate ng Pilipinas sa Miss World 2016.

Hindi nasungkit ni Catriona ang korona ng Miss World 2016 kaya after two years, nag-join siya sa Bb. Pilipinas, nanalo ng  Miss Universe Philippines crown at official contestant ng ating bansa sa Miss Universe 2018.

vuukle comment

ABAY BABES

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with