_ngayon
^

PSN Showbiz

TV executive na naglalaway sa sexy TV anchor, natakot ma-iskandalo nag-resign na!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ayaw magpa-pressure ng singer at komedyanteng si Pepe Herrera kung tatangkilikin ba ang pelikula niyang The Hopeful Romantic dahil mas nag-focus daw siya sa resulta ng pelikula.

Hindi maiwasang may pressure talaga sa kanya, dahil pagkatapos mag-hit ang Kita Kita ni Empoy Marquez, hindi nasundan ng ilang ko­medyante ang ginawa ni Empoy.

“Ang importante po sa akin as an actor, mapalitaw ‘yung story ng mga characters na ginawa po ng mga wri­ters. Dun po binubuo ng director.

“Yung final product po nitong The Hopeful Romantic, proud po kami kasi nailabas po namin yung gustong ibahagi ng kuwento.

“At ang motivation ko po for this film…it’s an honor na nakatrabaho ko po si direk Topel Lee at napaligaya po natin ang mga manonood,” pahayag ni Pepe.

In fairness naman, may tiwala naman kami kay direk Topel Lee na hindi naman sumasabit ang mga pelikula niya, kaya kumpiyansa kaming maganda itong The Hopeful Romantic na magtatampok sa kakaibang tambalan nina Pepe at Ritz Azul.

Husgahan natin ito sa showing nito sa September 12.

PAK: Marami na pala ang nakaalam sa isyu ng sinasabi nilang tibong TV executive na inireklamo raw ng isang maganda at seksing TV anchor.

Hindi naman yata umabot sa demandahan dahil nag-resign na lang itong si TV executive para hindi na lumaki ang isyu.

Ang isa raw sa inireklamo ni sexy TV anchor ay hini­hingan daw siya nito ng litratong naka-lingerie. Naasiwa na siya at feeling niya siguro naha-harass na siya sa request na iyun ni TV executive.

Maselan ang isyung ito, kaya nagtataka kami kung bakit kumalat ito at nakarating na nga sa amin.

Definitely, hindi naman nagsasalita si TV executive dahil hindi naman ito nakakatulong sa kanya. Ang duda ng ilan ay hindi raw kaya galing din sa kampo ni sexy TV anchor? Parang type din daw kasi nitong pinag-uusapan siya. Feeling artista kumbaga!

BOOM: May bagong endorsement na naman si Marian Rivera na ini-launch kahapon. Ito yung Canesten, na sabi nga ng mga executive ng naturang produkto, perfect na perfect talaga si Marian bilang brand ambassadress dahil nakikita nilang napaka-totoo nito.

Sabi nga ni Marian, alam naman daw ng lahat na sinasabi niya at nakikita sa kanya kung ano ang totoo.

Kaya diretso ang sagot niyang “very soon” nang tinanong tungkol sa plano nilang magka-baby uli ni Dingdong Dantes.

Kahit daw kasi si Zia ay nangungulit at ito nga raw ang hinihinging birthday gift. Three years old na rin naman daw si Zia, kaya tama lang na sundan na ito.

Pagdating sa isyung pagtakbo ni Dingdong sa dara­ting na eleksyon, mukhang may pahaging na baka ituloy na nito.

Hindi pa naman daw sila nakapag-usap pa nang masinsinan, kaya mas mabuting hintayin na lang daw ang announcement na manggagaling mismo sa kanyang asawa.

Sabi lang ni Mrs. Dantes; “Siguro…ang pangit kasi kung sa akin nanggagaling na ‘uy tatakbo ‘yung asawa ko, ganitong posisyon siya.

“Siguro ibigay natin sa kanya yan. Kung tatakbo siya, o kung hindi siya tatakbo, nasa sa kanya  yan. Kasi wala pa kaming pag-uusap na one on one o heart to heart talk kasi very busy din siya sa pinupuntahan niya for Yes Pinoy Foundation.

“Hayaan natin ibigay natin sa asawa ko na siya mismo ilatag niya sa inyo kung tatakbo ba siya o hindi ba siya tatakbo? Kung tatakbo siya, anong posisyon? Siguro ibibigay ko yan at irespeto ko na siya ang magsabi sa inyo.”

PEPE HERRERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with