^

PSN Showbiz

Robin naka mahigit isang milyon sa ginawang pagbabantay kay Trillanes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robin naka mahigit  isang milyon sa ginawang pagbabantay kay Trillanes
Robin

Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang video ng pang-ookray ni Robin Padilla sa pananatili ni Senator Antonio Trillanes IV sa senado.

Ibang klase rin si Robin dahil sumugod siya sa senado noong Martes para saksihan ang pag-aresto kay Trillanes pero hindi naman nangyari dahil nagkulong ang senador sa opisina nito.

Aliw na aliw ang fans sa mga pralala ni Robin sa video niya na lampas na sa isang milyon ang views. Type na type talaga ng Pinoy ang mga action star na may pani­nindigan at may sariling pananaw sa mga nangyayari sa bayan natin.

Hindi pinalampas ni Trillanes ang mga pang-ookray ni Robin dahil sa kanyang sagot na parang bata ang action star.

“We’re dealing with national problems here tapos you have immature people like that,” ang sagot ni Trillanes na hindi siguro nakatulog dahil medyo nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata.

Nag-volunteer si Robin na sasamahan nito si Trillanes sa pagsuko pero dinedma ng senador ang offer niya.

May common denominator ang dalawa dahil pareho sila na nakulong noon. Actually, mas mahirap ang pinagdaanan ni Robin dahil ikinulong siya sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa samantalang na-detain si Trillanes sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Noong makulong si Robin sa Muntinlupa, si Rudy Fernandez na kamag-anak niya ang isa sa mga madalas na dumadalaw sa kanya.

Nabanggit sa akin ni Rudy ang kalagayan noon ni Robin sa kulungan kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Nakulong si Robin dahil sa kaso ng illegal possession of firearms pero nakalaya siya noong 1998 sa bisa ng presidential pardon na ibinigay sa kanya ni ex-President Fidel Ramos.

Anyway, hanggang kahapon, nananatili si Trillanes sa Senado at knowing Robin, nakatutok pa rin ito sa nakaamba na pagdakip sa former classmate niya.

Patricia sasabak uli sa beauty pageant

May bago akong rich friend, si Marilou Tolico- Villanueva, ang organizer ng Mrs. Universe Philippines-Finest Woman.

Nakilala ko si Marilou nang mag-attend ako noong Martes sa intimate presscon ng Mrs. Universe Philippines-Finest Woman na ginanap sa favorite Japanese restaurant ko sa Timog Avenue.

Magaan agad ang loob ko kay Marilou, kahit secret pa ang prizes na matatanggap ng mga mananalo sa beauty pageant para sa mga misis na may mga kanya-kanyang advocacy.

Ang Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang venue ng grand coronation night ng contest sa Sabado, September 8.

Mahigpit ang imbitasyon ni Marilou na manood ako pero tinapat ko agad siya na hindi ako nagpupuyat at effort sa akin ang pumunta sa mga lugar na outside Quezon City.

In fairness, magaganda ang siyam na finalists ng Mrs. Universe Philippines-Finest Woman na kinabibilangan ng singer-actress na si Patricia Javier at ng former That’s Entertainment member na si Charo Laude.

Ibinalita ni Marilou na ang mananalo sa Sabado ang official candidate ng Pilipinas sa Mrs. Universe-Finest Woman 2018 na for the first time, idaraos sa Pilipinas sa December 11.

At may permiso ng mister ni Patricia ang pagsali nito sa Mrs. Universe Philippines-Finest Woman.

Pumayag si Dr. Rob Walcher na mag-join si Patricia para lalong lumawak ang kanilang advocacy na health, beauty and wellness.

Inayos na ni Patricia ang kanyang mga schedule para hindi magkaroon ng conflict sa rehearsals, promo guestings, presscon at coronation night ng beauty pageant with a cause na sinalihan niya.

Second time na ni Patricia na sumali sa beauty contest dahil official candidate siya sa Bb. Pilipinas noong 1998.

Bago siya nag-join sa Bb. Pilipinas, member si Patricia ng That’s Entertainment, ang sikat noon na youth-oriented show ng GMA 7. Ang kanyang tunay na pangalan na Genesis Canlapan ang screen name ni Patricia sa That’s Entertainment.

Sa mga hindi nakakaalam, ang alaga ko na si Lani Mercado ang nagkumbinsi kay Patricia na mag-artista dahil magkapit-bahay sila noon sa Antipolo City.

Finalist din ng Mrs. Universe Philippines- Finest Woman si Beau Singson, ang magandang pamangkin ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Residente na si Beau ng Australia pero umuwi lamang siya sa Pilipinas para sumali sa beauty pageant.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with