^

PSN Showbiz

Diego tanggap na ang pagiging bad boy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Diego tanggap na ang pagiging bad boy!
Diego

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Diego Loyzaga para sa teleseryeng Los Bastardos.

Ayon sa aktor ay kinakailangan niyang magpaganda ng katawan para makipagsabayan sa paghuhubad kina Jake Cuenca, Albie Casiño at Marco Gumabao para sa nasabing proyekto. “Kailangan kong magpaganda ng katawan kasi nakakahiya sa mga kasama ko sa show. Puro kasi kami topless dito ng boys. Concerned ako sa katawan ko, but now kailangang humabol kasi nakakahiya naman,” nakangiting bungad ni Diego.

Ibang-ibang karakter umano ang gagampanan ng binata sa bagong serye kaya kailangan itong pakaabangan ng kanyang mga tagahanga. “Dapat kasi maging believable ako, patatandain ako dito. Nagpapatubo ako ng balbas para magmukha akong nasa 30’s,” pagbabahagi ng aktor.

Si Diego ay anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano sa totoong buhay at aminado ang aktor na nakare-relate siya bilang isang bastardo ang gagampanan ngayon. “Somehow, oo. Hindi man na­ging asawa ng tatay ko si nanay ko, pero naging sila naman. Mahirap ikumpara ‘yung sa totoong buhay pero nakaka-relate ako,” giit niya. 

Samantala, bad boy ang imahe na gagampanan ni Diego sa Los Bastardos kaya hindi na raw siya mahihirapang kumbinsihin ang manonood dahil na rin sa mga kinasangkutang kontrobersiya nitong mga nakaraang buwan. “Ako kahit hindi ko naman sinasad­ya, meron na akong bad image. Whether I like it or not, gano’n na ang tingin ng tao sa akin. So panindigan ko na lang. Kung puro bad boy, bad boy image na ako sa mata ng mga tao eh. Gampanan ko na lang ‘yung karakter na bad boy. Tingnan natin kung talagang bad boy ba talaga ako. Na-imbibe ko na nga ‘yung karakter ko eh. ‘Pag tumingin ‘yung mga tao sa akin, hindi ako ngumingiti. And sometimes it gets better, just become your character all the time. Although lots of people will say that’s wrong, mali rin naman talaga,” makahulugang pahayag ni Diego.

BEAUTY ngayon lang nakaranas magka-kontrata

Noong isang buwan ay nakapirma na si Beauty Gonzalez ng exclusive contract sa ABS-CBN. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ng aktres na magkaroon ng kontrata sa Kapamilya network sa loob ng sampung taon. “I have no regrets kasi parang feeling ko na I’ve worked my way to top then dahan-dahan and surely. And now na nagkaroon ako ng kontrata, I’m ready as a person sa maturity ko andeverything. So it was just in the perfect time,” pahayag ni Beauty.

Pinaghahandaan na ng aktres ang kanyang pagbabalik sa telebisyon ngayon. Matatandaang pansamantalang nawala si Beauty nang magbuntis at pakasalan ang asawang si Norman Crisologo. 

Sobrang nag-alala raw si Beauty noong 2015 tungkol sa kanyang karera nang malamang nagdadalang-tao na siya.Magtatatlong taon na ang anak nina Beauty at Norman na si Olivia. “Parang paano ba ako, makakapasok ulit? Parang, ‘Oh my God, nabuntis po ako sa gitna ng show. Ending na talaga.’ Hindi ko talaga alam pa’no ako makabalik. I don’t know, suddenly bigla na lang may tumawag sa akin. I’m out of words. Kasi this is my first love (acting), I don’t know what else am I gonna do with life aside from this. Sa totoo lang,” kwento ng aktres.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with