^

PSN Showbiz

Erik hindi inakalang magtatagal ang career

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erik hindi inakalang magtatagal ang career
Erik

Sa September 22 ay gaga­napin sa Mall of Asia Arena ang Er1k 5antos concert bilang bahagi ng ika-labinlimang taon ni Erik Santos sa music industry. Si John Prats ang magiging direktor ng nasabing concert. Hindi umano inakala ni Erik na aabot siya nang mahigit isang dekada sa show business kaya masayang-masaya ang singer. “I’m just happy na after 15 years nandiyan pa rin ‘yung mga taong sumusuporta sa akin since day one,” nakangiting bungad ni Erik.

Aminado ang binata na hindi rin naging perpekto ang takbo ng kanyang karera sa loob ng labinlimang taon niyang pamamalagi sa show business. “Siyempre hindi naman naging perfect but I’m just grateful to these people behind my career na until now nandiyan sila at hindi ako pinabayaan,” giit ng singer.

Isang bagong album din ang nakatakdang ilabas ni Erik bago magtapos ang taon. Makakasama ng singer ang ilang mga malalapit na kaibigan sa industriya na naging bahagi ng kanyang karera katulad nina Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Moira, Yeng Constantino, Gary Valenciano at Martin Nievera.

Carlo at Angelica, ayaw pangunahan ang kapalaran

Parehong walang kasintahan ngayon sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Ayon sa aktor ay bukas siya sa posibilidad na makipagbalikan sa aktres. Ibang kasiyahan daw ang nararamdam ni Carlo sa tuwing nakakasama at nakakausap ang dating kasintahan. “Hindi ako nagsasarado na kahit anong pinto, lalo ngayon. Napansin ko kapag kasama ko siya, mas patient ako, mas inaantay ko ‘yung right moment,” makahulugang pahayag ni Carlo.

Noong Linggo ay nagdiwang ng kanyang ika-tatlumpong taong kaarawan ang aktor kaya hindi maiwasan na ang tuksuhan nang dumalo si Angelica rito. Para sa dalaga ay ayaw niyang pangunahan ang mga posibleng mangyari sa kanilang magandang turingan ni Carlo. “Hindi ko alam kung ano ‘yung mangyayari. Ayokong pangunahan, ayoko naman din bigyan ng meaning ‘yung mga bagay na hindi ko naman alam kung ano. So titingnan ko lang din naman,” naka?ngiting pahayag ni Angelica.

Noong Lunes ay maraming mga tagahanga ng tambalan nina Carlo at Angelica na mas kilala sa tawag na CarGel ang kinilig sa Instagram post ng aktres para sa mismong kaarawan ni Carlo. Napaka-sweet sa larawan ng dalawa at may caption itong “Sa’yo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang Kaarawan.” Samantala, makakasama si Carlo sa teleseryeng Playhouse na pagbibidahan nina Angelica at Zanjoe Marudo.

vuukle comment

ER1K 5ANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with