Edu
Edu binubuyong mag-senador
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2018 - 12:00am

May offer daw kay Edu Manzano na kumandidatong senador sa election next year.

Ang offer diumano ay galing na sa dating senador na naka-planong tumakbo uli sa senado sa 2019.

Pero ayon sa source, hindi pa nito ma-convince si Edu. Negative pa raw ang sagot nito sa offer ng party ng nasabing ex senator.

Nauna nang sinabi ni Edu na ayaw na uli niyang sumali sa pulitika. Napagod na diumano siya matapos hindi palaring makalusot sa pagka-Vice President noon ng bansa pero pumatok naman siyang VP sa Ang Probinsyano.

Kung sabagay, parang masikip nga naman next year ang way going to senate.

Ang daming kakandidato, maraming for reelection at ma­rami ring comebacking at siyempre mga baguhang susubok sa magka-puwesto sa senado.

May ilang mga nag-back out na dahil nga nakita na nila na maliit ang chance  at baka gumastos nga lang naman sila.

So ano ba talaga Eds? Balik-pulitika ka ba?

Speaking of Edu, pareho palang sa New York na nakatira ang dalawa niyang anak na sina Addie and Enzo. “Am proud to say that these great looking kids are also mine. Addie and Enzo. Now living in New York. Missing them very much. #love #family #prideandjoy #thatslife #amblessed,” sabi ni Edu sa caption ng picture ng dalawa niyang anak kay Rina Samson.

Siyempre kapatid sa ama nina Addie at Enzo si Luis Manzano na ang nanay naman siyempre ay si Rep. Vilma Santos.

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with