Mga datung naayos John Lloyd malabo raw maghirap kahit ‘di magtrabaho
Kahit ano raw mangyari, hinding-hindi maghihirap si John Lloyd Cruz.
Nailagay daw nito sa maayos ang perang kinita nung active ito sa showbiz. Ok din daw ang investments nito. Kaya kahit hindi magtrabaho at magpaka-ordinary na lang, ayon sa dating malapit sa aktor, wala itong magiging money problem.
Nagpapa-ordinary folk ang actor sa kasalukuyan at spotted siya na parang hindi celebrity sa piling ng partner niyang si Ellen Adarna at umano’y anak nila.
Saka buhay naman niya ‘yun at siguro matalino ang aktor para gawin niya ‘yun kung hindi mahaba ang pisi niya.
- Latest