^

PSN Showbiz

Jolo nagpasabog ng sasakyan at helicopter sa tres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jolo nagpasabog  ng sasakyan  at helicopter sa tres
Jolo

Ang ganda ng ginawa ng mga produ ng Imus Productions sa Tres dahil naglabas sila ng kanya-kanyang teaser ng trilogy movie na pinagbibidahan ng magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

Meaning, hindi tinipid ang pelikula dahil kung iba ang producer nito, malamang na isang trailer lang ang inilabas nila.

Virgo, 72 Hours at Amats ang mga episode title ng comeback trilogy movie ng film outfit ng Revilla family.

Bongga ang teaser ng 72 Hours dahil sa mga sasakyan at helicopter na pinasabog na talagang kailangan sa eksena. Hindi nagtipid ang Imus Productions dahil sa kagustuhan ng mga produ na masulit ang ibabayad ng moviegoers sa takilya.

Si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, ang bida sa 72 Hours, ang unang haharap sa press bago ang kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi.

Mapapansin sa teaser ng 72 Hours ang malaking pagkakahawig ni Jolo sa kanyang tatay na si Bong Revilla, Jr., ang magkatunog na boses nila at ang magkapareho na mannerism sa mga action scene.

Tama nga ang sinabi ko na special guest si Phillip Salvador sa 72 Hours. Wala ang pangalan ni Ipe sa poster ng Tres pero makikita sa teaser ng 72 Hours ang eksena niya. Hindi nagpabayad si Ipe sa special appearance niya sa pelikula ni Jolo dahil nga sa pagmamahal niya sa pamilya Revilla, lalo na sa kanyang BFF na si Bong.

Isang buwan ang promo period ng Imus Productions para sa Tres at perfect ‘yon para sa pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa October 3.

Jodi at Rhian tiyak na bubuhayin

May idea na ako sa mga itatanong ng entertainment writers kay Jolo, ang current status ng relasyon nila ni Jodi Sta. Maria, ang rumored brewing romance sa pagitan nila ni Rhian Ramos at ang mga death-defying stunt niya sa 72 Hours.

Open book sa publiko ang love affair nina Jolo at Jodi. Expected naman na mali-link si Rhian kay Jolo dahil siya ang leading lady nito sa 72 Hours.

Six years ago pa ang last movie ni Jolo, ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako na official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2012.

Matagal na hindi gumawa ng pelikula si Jolo at by choice ito dahil bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite, nag-concentrate siya sa paglilingkod sa kanyang constituents.

Huminto rin si Jolo sa pagtanggap ng mga tele­vision series noong 2013. Bumalik lang siya sa TV ngayong 2018 dahil tinanggap niya ang offer na umapir sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Kahit naglagare siya sa shooting ng Tres at sa taping ng Ang Probin­sya­no, siniguro ni Jolo na hindi mag­kakaroon ng conflict sa kanyang mga obligasyon bilang vice governor ng Cavite ang mga showbiz commitment niya.

Mahusay si Jolo sa time management na natutunan niya mula sa kanyang mga magulang na sina Bong at Lani Mercado na napagsabay ang mga responsibilidad bilang public servant at mga artista.

Lovi tuloy ang friendship sa ex

May mga nagulat nang makita nila ang pangalan ni Lovi Poe sa poster ng Tres dahil may special participation siya sa 72 Hours.

Alam ng lahat na dating magkarelasyon sina Jolo at Lovi noong mga bagets pa sila. Kahit hiwalay na ang dalawa, friends pa rin sila kaya pumayag agad si Lovi na mag-guest sa pelikula ng ex-boyfriend niya.

 

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with