^

PSN Showbiz

Mccoy magso-solo na lang sa ball

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mccoy magso-solo na lang sa ball
McCoy

Sa September 29 na gaganapin ang 2018 ABS-CBN Ball. Ito ang taunang event na nakilala bilang Star Magic Ball. Dinadaluhan ito hindi lamang ng Kapamilya artists kundi pati na rin ng mga artista mula sa ibang TV stations at. 

Isa si McCoy De Leon sa mga naghahanda na para sa nasabing event. Masayang-masaya ang Hashtags member dahil pinapangarap lamang daw niya ito noon. “Ang bilis ng panahon po. Nakakatuwa po kasi napabilang pa din ako dito ngayon. Naaalala ko po dati na dream ko din po ito,na makasama ako dito noong hindi pa ako artista,” bungad ni McCoy. 

Matatandaang si Elisse Joson ang kasamang dumalo ni McCoy noon. Hindi pa umano alam ng binata kung sino ang kanyang makakapareha nga­yong taon dahil hindi na sila magkatambal ni Elisse. “Tingnan na lang po natin kasi hindi ko pa po alam, abangan natin. Hindi ko din masabi ngayon talaga, sabi ko nga mabilis lang ang panahon. Mabilis lang din ang mga mangyayari siguro doon,”  makahulugang pahayag ni McCoy.

Wala ring problema sa Hashtags member kung sakali mang solo siyang dumating sa pinakaaabangang event. “Siyempre malungkot mag-isa, pero nando’n din naman po ‘yung mga ka-Hashtags ko and siguro mas madadagdagan pa ang Showtime family na nandoon pero tingnan na lang po natin,” pagtatapos niya. 

Karla ayaw makialam sa relasyon ng Kathniel

Kamakailan ay umamin na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na limang taon na silang magkasintahan. Marami tuloy ang nagtatanong ngayon sa ina ng aktor na si Karla Estrada kung handa na itong mag-asawa ang anak at maging lola sa magiging anak ng KathNiel. “Hindi natin alam kung kailan darating. Kung dumating, okay. Hindi ‘yung pagiging lola ang pinoproblema natin. Ang kailangan nating paghandaan ay kung ready ka na bang bumuhay ng anak. Ang pagiging lola ay hindi problema sa akin. Ang problema, ang tanong ko, handa ka na bang bumuhay ng pamilya? At hindi lang ito para sa akin, para sa ating lahat na mga magulang, I’m always ready, naging ready nga ako maging ina at the age of 20 kasi gusto ko ‘yon. So ibabalik mo ang tanong sa anak mo. Ready ka na bang magkapamilya? Dahil responsibility ‘yon,”  makahulugang pahayag ni Karla. 

Hindi raw alam ng Magandang Buhay host na matagal nang opisyal na magkarelasyon sina Daniel at Kathryn. “Hindi, hindi ako nakikialam sa kanila tungkol sa relasyon. Basta ang importante ay na-guide ko si Daniel sa career niya at love team nila ni Kathryn. Sa inyo dapat manggagaling. Ang lalaki dapat ang nagsasabi tungkol sa relasyon. Kasi hindi maganda na manggaling sa babae o sa nanay,” nakangi­ting pahayag ni Karla.

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with