_ngayon
^

PSN Showbiz

Angeline naiiyak pag naalala ang mga dinaanang hirap

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Angeline naiiyak pag naalala ang mga dinaanang hirap
Angeline

PIK: Thankful si Rochelle Pangilinan sa GMA 7 na kahit almost 14 weeks pregnant na siya, kasama pa rin siya sa Onanay na patuloy pa ring namamayagpag ang rating.

Hindi naman daw kasi niya alam na mabubuntis siya, at kasisimula lang niya sa Onanay, kaya medyo ingat lang siya sa ngayon sa taping. Pero hindi naman daw tatanggalin ang karakter niya.

Hindi pa naman daw siya hirap sa pagbubuntis sa ngayon. Wala nga raw siyang pi­naglilihian. Ang napansin lang daw niya, yung mga pagkaing hindi niya kinakain noon, ngayon ay gustung-gusto niyang kainin.

‘Yung dati namang paborito niyang kinakain ay ayaw naman daw niya.

Ang isa pa ay matakaw daw siya ngayon ay matulog. Lagi raw siyang tulog at hindi na nga raw siya maagang nagigising. Kaya hindi niya tuloy naasikaso si Arthur Solinap sa umaga dahil tulog pa siya.

Nandiyan naman siyempre si Arthur na laging nakaalalay sa kanya.

PAK: Emotional si Angeline Quinto na humarap sa ilang miyembro ng movie press nang napag-usapan ang mga hirap na pinagdaanan niya bago narating itong tagumpay ng kanyang career.

Bahagi si Angeline sa isang benefit concert ng Outbox Media Powerhouse Corporation na pinamagatang Limitless: Empowered Women, Empower Women na kung saan magpu-focus sa tatag ng mga kababaihan na dumaan sa iba’t ibang pagsubok.

Gaganapin ito sa Metro Tent Convention Center sa Pasig sa September 7.

Aminado si Angeline na hindi madali para sa kanya ang mga pinagdaanan niya bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Ang dami raw auditions na pinuntahan niya, pinagsabihan daw siyang magpapa­yat, at pati ang pagkatalo sa kanya ni Sarah Geronimo ay isa sa mga di magagandang komentong nakarating sa kanya.

Ang pagsali niya noon sa Star Power ay huling patimpalak na sasalihan na sana niya.

Tiniis daw niya lahat iyun na nagpatibay din sa kanya.

“Siguro dapat kong marinig yun, mapag­daanan yun. Kasi napatunayan ko sa sarili ko na hangga’t alam mo sa sarili mo kung ano yung gusto mong marating. Kung ano yung gusto mong ipakita sa mga tao. Basta buo yung puso mo para dun. Hindi posibleng ibigay ng Diyos yun.

“Sa tinagal-tagal ng panahon na inantay ko nun na sabi ko na kailan kaya darating yung panahon na sinasabi kong champion naman ako? So 20 years old po ako, binigay ng Diyos sa akin yun. So, na-realize ko lahat nung nanalo ako  sabi ko siguro dinaanan ko lahat yun kasi ito yung panahon na binigay Niya sa akin,” maluha-luhang pahayag ni Angeline.

Kasama ni Angeline sa Limitless concert sina Kyla, Radha, Liezel Garcia at Jayda Avanzado.

Bahagi ito ng 12th anniversary celebration ng Outbox Media.

BOOM: As of Friday, August 31, halos 120M na ang kinita ng pelikulang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Todong-todo ang suporta ng mga KathNiel fans na kung saan parami nang parami ang mga block screening nila.

Malaki rin talaga ang tulong ng mga block screenings dahil guaranteed na kita na ito.

Ang target daw kasi ng mga KathNiel fans, na hanggang buong buwan ng September ay nasa sinehan pa ito.

So far, ito nga yatang pinakamalakas na pelikula ng hottest loveteam.

Sabi nga ng iba maaring nakatulong ang pag-amin nilang limang taon na ang kanilang relasyon na matagal na rin naman daw itong allam ng mga KathNiel fans. Kaya hindi na isyu sa kanila yan.

Kahit hindi na muna sila magsasama sa susunod nilang projects, solid pa rin daw ang kanilang suporta.

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with