^

PSN Showbiz

Direk Cathy may request kay John Lloyd bago mag-retire

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Direk Cathy may request kay John Lloyd bago mag-retire
John Lloyd

Umaasa ang box-office director na si Direk Cathy Garcia-Molina na ang last film niya sa bakuran ng Star Cinema ay maidirek niyang muli ang kanyang paboritong actor, ang naka-indefinite leave of absence (sa showbiz) na si John Lloyd Cruz na mag-iisang taon nang ‘nakabakasyon’ along with her partner, ang aktres na si Ellen Adarna. Ang couple ay meron nang isang two-month old baby boy na isinilang sa Cebu last June 27.

Matapos idirek ni Direk Cathy ang pinipilahan ngayon sa takilya, ang The Hows of Us na pinagbibidahan ng reel and real sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla under Star Cine­ma, may tatlo pa siyang natitirang pelikula bago siya (pansamantalang) mag-retire sa pagdidirek.

Pinamamahalaan ngayon ni Direk Cathy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez kasama si Kathryn, ang Three Words to Forever at may natitira pa siyang dalawang pelikula na ang isa ay ipinangako umano niya kay Piolo Pascual.

Matutuwa si Direk Cathy kung ang last movie niyang ididirek sa bakuran ng Star Cinema ay muling pangungunahan ni John Lloyd regardless kung sino ang makakapareha nito.

NET25 may bagong musical show

Nagsimula last August 26 (Sunday), 8 p.m. sa NET25 ang bagong musical show na pinamagatang Young Once (Upon A Time) hosted by Anthony Castelo, Darius Razon at Eva Vivar, mga hitma­kers nung dekada sitenta.

Although kasisimula pa lamang ng programa, kumpleto na ang kanilang line-up of guests para sa isang season at ngayon pa lamang ay para sa ikalawang season na ang kanilang pinaghahandaan.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with