_ngayon
^

PSN Showbiz

Ogie nahulaan ang pagbubuntis ni Rochelle dahil sa ‘Holy Spirit’

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ogie nahulaan ang pagbubuntis ni Rochelle dahil sa âHoly Spiritâ
Ogie

PIK: Labindalawa na ang finalists sa The Clash at sa darating na weekend ay mababawasan na naman ng dalawa, kaya papalapit na nang papalapit ang finals na kung saan isa na lang ang matitirang winner mula sa 62 contenders.

Isa nga sa matunog at kaagad umani ng followers ay ang 25-year old na taga-Valenzuela na si Anthony Rosaldo.

Ang dami nang singing competition ang nasalihan ni Anthony, pero itong The Clash daw ang pinakahuli na ang dami raw niya talagang natutunan sa judges lalo na kay Regine Velasquez.

Sabi nga ni Anthony, tiyak na mami-miss daw nila si Regine na parang ate na raw sa kanila.

Dagdag na pahayag ni Anthony; “She’s such a darling po na siya pa ang naunang mag-hello, kumusta.

“Minsan po pag may matanggal na clasher, sasadyain nya po sa likod. Ateng-ate siya talaga sa amin lahat.

“Mami-miss po talaga siya namin pag matapos na yung show. Ang tagal po kasi namin siya nakasama sa stage.

“Idol naman po siya ng lahat. Regine Velasquez po yun eh, di ba po?”

Mas mainit at kapana-panabik na labanan ng mga clashers ang mapapanood sa darating na Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto, at sa Linggo naman pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

PAK: Inialay ni Ken Chan ang bagong afternoon drama niyang My Special Tatay sa kanyang ama na may cancer.

Dumadaan naman daw ngayon sa treatment ang kanyang ama, at nakatutok naman ang buong pamilya.

Kaya espesyal daw sa kanya itong My Special Tatay, lalo na’t first time daw niyang gumanap na isang ama at mas challenging pa dahil may Mild Autism Spectrum Disorder.

Ang isa pang ikina-excite ni Ken ay ka-partner niya rito ang Starstruck avenger na si Arra San Agustin.

Very vocal si Ken na matagal na niyang crush si Arra, kaya may kilig-kiligan siya kapag kasama niya ito sa taping.

BOOM: Thirteen weeks na pala ang ipinagbubuntis ni Rochelle Pangilinan na sobrang happy dahil tamang timing lang daw itong pagbubuntis niya.

Natatawa si Rochelle na kinuwento sa amin na minsan nakakatulong din daw ang traffic dahil nasa traffic daw sila nang nakumpirma nila sa resulta ng MRI na buntis pala siya.

Kasama raw niya si Arthur Solinap sa kotse kaya nagdasal daw sila, at ramdam daw niya na sobrang lamig ng kamay nito.

Pero ang isa pang nakakatuwang kuwento ni Rochelle, mga bandang June daw iyun, si Ogie Alcasid daw ang nakahula na mabubuntis ito.

“Isang church kasi kami ni Kuya Ogie. Nung nag-church kami, sabi niya sa akin, through the Holy Spirit daw nalaman niya na mabubuntis ako,” bahagi ng kuwento sa amin ni Rochelle nang nakatsikahan namin sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung isang gabi.

Naniwala raw siyang talagang ang Holy Spirit nga raw ang nagparamdam kay Ogie na mabubuntis siya.

So far, okay naman daw ang kalagayan niya sa ngayon.

Wala naman daw siyang pinaglilihian, pero ang napapansin lang daw niya, tulog daw siya nang tulog.

OGIE ALCASID ROCHELLE PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with