_ngayon
^

PSN Showbiz

Sarah umaming hindi pa nagpo-propose si Matteo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Sarah umaming hindi pa nagpo-propose si Matteo!
Sarah

PIK: Isang buwan na lang ang hihintayin, magkakaalaman na kung sino na talaga ang tatakbo sa mid-term elections sa 2019.

May ilan ngang nagpaparamdam na kagaya ni Sen. JV Ejercito na tala­gang gusto niya ng isa pang termino para maipagpatuloy ang mga nasimulan niyang proyekto particularly sa infrastructure at transportation.

Ang kapatid niyang si Sen. Jinggoy Estrada ay malakas pa rin sa survey at baka tumakbo rin.

Ang isa pang malakas ding dapat daw na tumakbo ay si Presidential Spokesperson Harry Roque. Pero laging idinadasal ni Sec. Roque na “Thy will be done”, dahil tanggap naman daw niyang wala siyang malaking pera para pantustos sa pangangampan­ya.

Pero naniniwala si Sec. Roque na malaki pa rin ang tulong ng entertainment news para sa kanyang exposure. Kahit nandiyan ang social media, naniniwala siyang malaki pa rin ang tulong ng entertainment page sa mga diyaryo pati ang sa TV.

“Kahit anong mangyari, hindi nawawala ang followers sa entertainment media.

“Mas marami pa ring nagbabasa sa entertainment news kesa sa political news.” pahayag ni Sec. Roque.

PAK: Naging usap-usapan ang umano’y hindi naere na guesting ni Sarah Geronimo, kasama si James Reid sa Gandang Gabi Vice.

Si Mommy Divine at ang Viva ang sinisi kung bakit nag-decide na lang ang taga-GGV na huwag na lang iere.

Ang dami nga raw pinatanggal na halos wala nang natira.

Kuwento nga ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account, may mga naughty questions daw si Vice na kailangang sagutin ni Sarah ng Guilty or Not Guilty.

May tanong kagaya ng nakapanood ba ito ng porno. May tanong ding minsan ba ay nakatulog itong may katabi siyang lalaki, na game naman daw na nasagot ng bida ng Miss Granny.

Ibang Sarah raw doon na kung saan inamin daw niyang gusto na niyang magpakasal, pero hindi pa naman daw nagpo-propose si Matteo Guidicelli.

Hindi na nga lang nila inere ito, pero marami namang nasa audience sa studio na nakapanood nito at baka na-record pa nga ng iba.

Hindi kaya mailalabas din ito sa social media isa sa mga araw na ito?

BOOM: Kumpirmadong buntis na nga raw ng 19 weeks si LJ Reyes. ‘Yan ang sagot sa amin ni Paolo Contis nang tinanong ko kung ilang buwan nang buntis ang aktres.

Bago raw nila in-announce, ipinaalam daw muna nila sa kanilang magulang at pamilya, pati sa GMA 7 at maayos naman daw ang kalagayan ngayon ni LJ.

Ang cute nang pagbalita ni LJ sa kanyang anak na si Aki na magkakaroon na ito ng kapatid.

Nasa YouTube ng aktres ang pag-uusap ng mag-ina na kung saan hindi nga makapaniwala si Aki na buntis na ang Mommy niya.

Ang gusto ni Aki, baby brother para may kalaro siya. Pero baby girl naman ang type ni LJ. Maarte naman daw ang girl sabi ni Aki.

Pero masaya ang magkasintahang Paolo at LJ dahil tingin nila nasa tamang panahon lang na magkaroon na sila ng anak.

Ayon kay Paolo, hindi raw muna gagawa ng drama series si LJ dahil kailangan din niyang ingatan ang kanyang kalagayan.

Okay lang daw na pa-guesting guesting muna siya.

JV EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with