^

PSN Showbiz

Sa sulok pumupuwesto, Mocha umiiwas na sa atensiyon!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Sa sulok pumupuwesto, Mocha umiiwas na sa atensiyon!
Mocha

SEEN: Spotted si PCOO Secretary Mocha Uson na tahimik at nag-iisa na nakaupo sa isang restaurant sa Pasig City noong Linggo. Pinili ni Uson na maupo sa isang sulok para hindi niya makuha ang atensyon ng ibang mga kostumer.

SCENE: Parehong puno ng audience ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Miss Granny at Crazy Rich Asians noong Linggo. Mga Filipino-Chinese ang karamihan sa mga nanood ng Crazy Rich Asians.

SCENE: May mga binago na kuwento sa movie version ng Crazy Rich Asians dahil ibang-iba ito sa best-seller book ni Kevin Kwan.

SEEN: Ipakikilala ngayon ng GMA 7 ang cast ng My Special Tatay, ang afternoon television series na replacement ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Si Ken Chan ang bida sa My Special Tatay.

SCENE: Napakinabangan ni Chad Kinis sa Miss Q & A ng It’s Showtime ang husay niya sa stand up comedy. Artista rin si Chad at siya ang madalas na host sa mga US and provincial tour nina James Reid at Nadine Lustre kaya Chad Kinis Lustre-Reid ang pangalan na ginamit niya bilang contestant ng Miss Q & A.

SCENE: Kahapon ang 78th birthday ng former movie queen na si Amalia Fuentes. Ang gumaling at bumalik sa dati ang kalusugan ni Amalia ang panalangin ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with