Joshua
Joshua
Joshua, gusto munang magkaanak bago magpakasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2018 - 12:00am

Isa si Joshua Garcia sa mga tini­tingalang aktor ngayon sa kanyang henerasyon. Magdadalawampu’t isang taon gulang pa lamang sa October ang aktor at pangarap daw nitong magkaroon ng anak sa edad na dalawampu’t pito bago pa man magpakasal. “Actually 27 (years old) gusto kong magkaanak tapos 30 plus gusto ko magpakasal,” nakangiting bungad ni Joshua.

Tubong Bauan, Batangas ang binata at malaki raw ang impluwensya nang pinanggalingang lalawigan sa paniniwala ng aktor. “Gano’n talaga ‘pag probinsya. Kasi hindi mo kasi masasabi kasi bigla na lang kasi siyang nabubuo, ‘yung mga babies. Hindi mo masasabi kung kailan siya mabubuo eh,” makahulugang pahayag ni Joshua. Ayon kay Joshua ay sisiguradu­hing kaya na niyang bumuhay ng pamilya kung sakali mang duma­ting ang puntong magkakaanak na siya. “Mas maganda na kapag nag-baby ka, may trabaho ka na regular saka nakaipon ka na. May business ka na, may bahay ka na. kumbaga kumpleto na,” giit ng aktor. Samantala, si Julia Barretto ang sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Joshua. Matatandaang umaming magkasintahan na ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas. Nagkaroon na rin ng hindi pagkakaunawaan sina Joshua at Julia pero ngayon ay maayos nang muli ang samahan ng dalawa.

Benjamin, nag-audition para kay Quezon

Isa si Benjamin Alves sa mga gumanap sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral bilang si Manuel Luis Quezon. Ayon sa aktor ay talagang nag-audition siya para gampanan ang papel ng nasabing bayani ilang taon na ang nakalilipas. “Six years ago I was in a room doing an audition (para sa Heneral Luna) not knowing that after six years, I will be in front of you talking about Goyo. Ang layo na po nang narating from just a piece of paper, reading that. Tapos ito na ang napuntahan natin. I’m confident na after this film, we will gain momentum for a Quezon film. Again we have to celebrate what’s happening now and that’s Goyo,” nakangiting kwento ni Benjamin.

Samantala, trilogy ang nakatakdang gawin ng direktor na si Jerrold Tarog kaya inaasahang sunod na gagawin ang pelikulang tungkol naman kay Quezon.

Si direk Jerrold ang gumawa ng mga makasaysayang mga pelikula katulad ng Heneral Luna at Goyo. “You need to watch the entire film para maintindihan n’yo ‘yung takbo ng timeline ng trilogy. Importante na mabuo ‘yung trilogy. Sa third film, mas malaki na ‘yung point of view ni (Emilio) Aguinaldo. Kasi ‘yung mga pelikula na ‘yan ay depende kung kaninong point of view ang kwento. So kay Luna, obviously kontrabida si Aguinaldo. Dito (sa Goyo) medyo nasa side ni Aguinaldo ang point of view ni Goyo ang mag-iiba na naman ang point of view hopefully pagdating sa Quezon,” pagdedetalye ni direk Jerrold.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with