^
Sofia mag-aaral  ng music sa US
Sofia

Sofia mag-aaral ng music sa US

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2018 - 12:00am

Natutuwa ang 19-year-old daughter ng mag-asawang Alfred Romualdez at Cristina “Kring-Kring” Gonzalez-Romualdez na si Sofia Romualdez dahil nominado ang kanyang second single under Viva Records, ang Thinkin’ of U”na siya rin mismo ang nag-compose sa Philippine Movie Press Club’s Star Awards for Music bilang Best New Recording Artist of the Year.  Ito’y nakatakdang ganapin sa Resorts World Manila sa darating na September 9 (Sunday).

Since she was a kid ay sobra na ang hilig ni Sofia sa music na kanyang minana sa kanyang inang si Kring-Kring at paternal grandpa, ang dating matinee idol (nung dekada sisenta) na si Jose Mari Gonzalez na siyang may-ari noon ng number one recording studio ng bansa, ang Cinema Audio in Mandaluyong.

Bukod sa pagkanta at pagku-compose, si Sofia ay marunong ding tumugtog ng piano, organ at gitara. Mahilig din siyang mag-arrange ng music.

Next year, balak ni Sofia mag-aral sa Berklee College of Music in Boston, Massachusetts, USA.

Ogie tagumpay  ang anniversary!

Gusto naming i-congratulate ang singer-composer, actor-comedian at concert performer na si Ogie Alcasid dahil sa kanyang matagumpay na concert sa Araneta Coliseum last Friday (August 24) evening, ang OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Ang nasabing concert ay bilang selebrasyon ni Ogie sa kanyang ika-30th year sa entertainment industry at advance birthday treat na rin niya sa kanyang mga supporters.  Ogie celebrates his 51st birthday on August 27.

Naging special guests ni Ogie sa kanyang concert at the Big Dome sina Vice Ganda, Michael V., Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira de la Torre, Rey Valera, ang kanyang wife na si Regine Velasquez-Alcasid at ang kanyang tatlong anak na sina Leila, Sarah at Nate.  Ang nasabing concert ay dinirek ni Paolo Valenciano.

Indian bf ni Nathalie, na-love at first sight

Si Nathalie Hart ay five months pregnant nga­yon courtesy of her Indian businessman boyfriend na si Mayank Sharma (25) na nakilala niya last December nang siya’y dumalo sa isang wedding in New Delhi.

Tila na-love at first sight ang Indian guy sa beauty ni Nathalie kaya sinundan siya rito sa Maynila at nagsimulang ligawan siya hanggang sa maging sila.

Bago i-announce ni Nathalie ang kanyang pagbubuntis, may plano na umano sila ni Mayank na magpakasal sa isang civil wedding ceremony in Manila in December na susundan ng isang traditional grand Hindu wedding in India.

Si Nathalie ay nakatakdang magsilang sa buwan ng January 2019 (ng isang baby girl) kaya malamang na sa 2019 na rin mangyari ang kanilang kasal sa India.

Kasama rin siya sa upcoming movie sexy-drama movie na Abay Babes: The Bitch Wedding under Viva Films plus three other movies.

SOFIA ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with