Joshua
Joshua kopyang-kopya na si John Lloyd
(Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2018 - 12:00am

Nanay ni Marlo tinapos na ang pakikipaglaban sa cancer

SEEN: Nagwakas noong Huwebes nang gabi ang matagal na pakikipaglaban sa kanser ni Merlie Pamintuan, ang ina ni Marlo Mortel. Devastated si Marlo sa pagkawala ng ina, kahit alam niya na darating ang araw na kanyang kinatatakutan.

SCENE: Nabulabog kahapon ang Botejyu branch sa Robinson’s Mall Galleria dahil sa presence nina Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim at Nova Villa. Ginanap sa Botejyu ang victory party ng Miss Granny na halos P14 million ang box office gross sa pangalawang araw na pagtatanghal sa mga sinehan.

SEEN: Nagpapasalamat kay Sarah Geronimo ang singer-composer na si Miguel Mendoza dahil ang singer-actress ang pumili ng Isa Pang Araw bilang theme song ng Miss Granny. Si Miguel ang composer ng Isa Pang Araw.

SCENE: Kahapon ang 70th birthday ni Senator Tito Sotto na on leave sa Eat Bulaga buhat nang mahalal siya bilang Senate President.

SEEN: Ngayon ang grand launch sa Eat Bulaga ng second edition ng Miss Millennial Philippines. Official candidates sa Miss Millennial Philippines ang lahat ng winners sa mga local beauty pageant.

SCENE: John Lloyd Cruz na John Lloyd Cruz ang akting at pananalita ni Joshua Garcia sa mga eksena nito sa Ngayon at Kailanman ng ABS-CBN.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with