^

PSN Showbiz

Vilma nagsalita sa engagement nina Luis at JessY

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vilma nagsalita  sa engagement  nina Luis at JessY
Vilma

PIK: Kasabay ng 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde, nagkaroon naman ng Gabi ng Pasasalamat ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay sa selebrasyon ng tagumpay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na ginanap sa Whitespace sa Makati nung nakaraang Linggo, August 19.

Hindi naman daw ito awards night sabi ng FDCP Chairperson Liza Diño.

Pero nagbigay sila ng special citation sa mga pelikulang kalahok na nag-standout sa isang linggong film festival.

Binigyan ng Special Jury for Outstanding Acting ang bida ng pelikulang Signal Rock na si Christian Bables. Wala naman kasi silang Best Actor at Actress na award.

Mabuti nakahabol ang aktor na kunin ang naturang parangal dahil dumaan pa ito sa birthday celebration ni Mother Lily.

Ang dalawang pelikulang dinirek ni Jason Paul Laxamana na The Day After Valentine’s at Bakwit Boys ang binigyan ng Audience Choice award, at ang Signal Rock naman ang binigyang ng Critic’s Choice.

So far, nangunguna pa rin ang The Day After Valentine’s at humahabol ang Unli Life, pero gumaganda rin sa takilya ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi, pati ang We Will Not Die Tonight ni Erich Gonzales.

PAK: Si Cong. Vilma Santos-Recto ang isa sa pinagkaguluhan ng media sa 80th birthday ni Mother Lily na ginanap sa The Crowne Plaza Manila Galleria kamakalawa ng gabi.

Hindi naiwasang itanong sa kanya ang isyung engaged na raw sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“Hindi naman ako puwedeng mauna. Sila dapat ang mag-announce, hindi ako,” pakli ni Cong. Vi.

Ayaw lang sabihin ng Star for All Seasons na nagpaalam na sa kanya dahil ayaw niyang magbigay ng ideya kung ano na ang plano ng magkasintahan.

“Hayaan n’yo na muna kung kailan nila planong mag-announce, maybe this year, maybe next year.

“Bahala na sila magsalita,” dagdag niyang pahayag.

Nandiyan naman daw ang suporta niya, basta kung ano ang magpapasaya sa kanyang anak.

Pero kapag naiisip daw niya ang ideyang ikakasal si Luis, hindi raw niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

“Hindi ko alam kung iiyak ako…hindi ko alam,” napapangiti niyang pahayag.

Pero ang laging payo raw niya sa dalawa; “There’s no such thing as adjustment period.

“The whole time of the relationship is adjustment.

“Habang nagu-grow ‘yan iba nang iba ang mga priorities niyan. So, the whole time dapat nag-a-adjust sila sa relationship.”

BOOM: Marami na ang nakatutok sa Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ngayong araw ang laban sa basketball ng ating bansa sa China, kaya tiyak na mainit ang labanan dahil kasali na si Jordan Clarkson.

Ang isa sa sobrang aligaga roon ay ang Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Bilang head delegate ng ating Philippine contingent, dumalo si Mayor Goma sa Organizing Committee meeting dahil hinarap niya ang iba’t ibang concerns kaugnay sa rules and regulations, pati ang hinaing ng ating mga atleta.

May isyu pa nga doon sa inihaing sandwich na inireklamo ng ilang delegates ng ibang bansa na malamig daw itong ibinigay sa kanila.

Tahimik lang ang ating mga atleta dahil alaga naman sila roon. Meron pa ngang pa-steak doon na ini-sponsor ni Mr. Manny V. Pangilinan. Kaya hindi sila napapabayaan doon.

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with